Seven

#ThePAST

Three days had passed pero hindi pa umuuwi ng bahay si Haze. All Asher know is may inaayos ito sa Clan. It's not that she's worried o namimiss niya ito, it's just pinuputakte siya ng tanong ng Ama. Baka raw kasi nag away sila kaya hindi manlang ito umuuwi kahit manlang sumilip lang sa kanya. Masama raw ito dahil kasisimula palang nila, away agad.

"It's not like we're for real y'know?!" Esplika niya kay Claire.

"Oh? Ba't parang pati ikaw, galit na hindi siya umuuwi?"

"What the Efff?? Naririnig mo ba yang sinasabi mo Claire? As if naman?!" She rolled her eyes in frustration.

"Kung hindi nga, ba't mas mataas ng ilang octave yang boses mo? Never mo'ng ginawa yan.. You're always so calm and---"

"Shut up. Okay? Busy ako." At ipinagpatuloy na niya ang pinag gagagawa.

"In denial. Hmp! Ano ba kasi yang ginagawa mo?"

"Naghahanap ng information from EastWest. Syempre hindi lang dapat South Clan ang kumikilos ano? Dapat tayo rin."

"Lianna Asher, umamin ka nga sa'ken.. Gusto mo na ba ang Haze na yun?!"

"Baliw. He's the same specie of guys na I hate, so pa'no ko siya magugustuhan? Mag isip ka nga."

"Hmm.. siguraduhin mo lang. Remember that the first to fall inlove is the one who loose."

"I know.. I know.."

"Miss Asher? Telepono ho para sa inyo.." anang katulong.

"Paki-connect nalang dito sa telepono ko sa kwarto."

"Sige po." Kinuha niya naman yung receiver at naghintay na magsalita ang sa kabilang linya.

"Hello Lianna?"

"Yes? Who's this?"

"Errmm, si Danny Lim 'to. Remember m---"

"TEACHER!"

"Haha! Mabuti naman naaalala mo pa'ko hija.."

"Ofcourse. How could I forget the best teacher I've ever meet."

"Awwww, sweet. Salamat hija.."

"It's true Teacher. So ano po?"

"Err, well 18th birthday kasi ng bunso ko, tapos celebration na din ng retirement ko sa trabaho mamaya. Gusto ko sanang dumalo ka pati si Claire. Sorry sa late notice ngayon ko lang kasi nahingi ang landline mo. Pasensya kana pero sana naman makarating ka.. Please?" How could she say 'No' to the Teacher who have been a second father to her.

"Mahihindian ko ba naman po kayo?"

"Talaga hija?? Talaga?? Talagang talaga?"

"Opo."

"Thankyou Lianna.. Thankyou.. Sa bahay ah? Mamayang alas sais."

"Sige po. Pupunta kami."

"Sige hija.. salamat talaga."

Pagkatapos nilang mag kamustahan, tinapos na nila ang tawag.

"12:35 , may oras pa. Tara sa Mall Claire, bibili tayo ng regalo para sa anak ni Teacher at para sa kanya.."

"Haaayy, si Teacher talaga.. Kung ako yun di ko tatanggapin. Grabe lang makapag bigay ng invitation? Biglaan." Padabog na tumayo si Claire at isinukbit ang bag.

STORY CONTINUES BELOW

"Ano ka ba Claire, ngayon nga lang niya nakuha yung landline ko diba. Tss."

"Oo na, ayokong magtalo na naman tayo dahil alam kong kakampihan mo yang Favorite Sensei mo." She rolled her eyes.

"Good."

"But I can't go with you to the party, may date ako, so sorry."

"WHAT?!"

At the party...

"I'm sorry Teacher.. May lakad ho kasi si Claire eh."

"Okay lang hija. Walang problema. Atleast you came."

"Pwede ba naman hong hindi. Ito po yung regalo namin ni Claire sa anak niyo, at para naman 'to sa inyo." At ibinigay ang dalawang paper bags.

"Naku hija, nag abala kapa .."

"Ang rude ho kasi kung pumunta ako nang walang dala. Sana magustuhan ng anak niyo, di ko ho kasi alam ang gusto niya eh."

"Oh! She would love it. Lalo na at galing sayo. Alam mo namang iniidolo ka ng batang yun."

"Haha. Hindi ko pa ho siya nakikita. May grand entrance ba siya?"

"Haha. Oo, alam mo naman ang batang iyon may pagka ano minsan.. Ginaya niya yung grand entrance nung debut mo."

"Hahaha! So bababa rin siya ng chopper? Nice!"

"Hahaha.. Oo. Halika dito hija, dito yung table niyo. May mga ka-klase ka dating inimbitihan ko eh." Bigla siyang naging uneasy.

Ka-klase dati??

Please, wag naman sana.. wag naman sa---

"Ash?"

"P-Patrick.." parang biglang tumigil ang mundo ni Asher nang makarating sila sa table, she didn't expect to see him.

After 2 years..

Bakit ganito?

"Evans? Woa! You look so beautiful as ever!" Basag ni Edmund sa awkward atmosphere. Edmund used to be her friend at kaibigan rin ito ni Patrick. Nang maghiwalay sila nito, lahat ng konektado kay Patrick ay iniwasan na niya. Including Edmund.

Gaga! Tutunganga ka nalang dyan?! Don't let him know na affected ka sa presence niya! Tanga!

"Edmund... ikaw din, malusog parin." Nagtawanan ang lahat ng nandun sa table nila. Well, si Patrick lang at Edmund ang kilala niya roon. Yung tatlong babae, hindi na.

"And you haven't change Ash.." ani Patrick na biglang ikinasikip ng dibdib niya. "Nag jo-joke ka nang wala paring ekspresyon ang mukha.."

"Err.. yeah." Parang hindi niya yata kakayanin ang magtagal sa table na iyon.

"Sige mga bata, pupunta muna ako sa loob at baka magsimula na. Enjoy the party okay?"

"Sige po.." sabay sabay nilang sabi. At nakangiti namang umalis ang matanda.

"Aaaah! Nakaka miss ka Evans!" Bigla siyang niyakap ni Edmund tapos may babaeng tumikhim. Sa hula ni Asher ay girlfriend nito iyon.

"Edmund??" Anang babae.

"Haha. Sorry babe, na miss ko lang 'tong Prinsesa namin."

Prinsesa?

That was before your bastard bestfriend cheated on me.

"So she was Patrick's girl?"

"Yeah. W.A.S.." aniyang ipinagdiinan pa ang was. Nagtaka man kung bakit nalaman ng mga 'to na prinsesa ang tawag ni Patrick at mga kaibigan nito sa kanya, hindi nalang niya isinatinig iyon.

Para ano pa diba?

"Upo ka.. Girls, this is Lianna Asher Evans, si Prinsesa namin kahit hindi na siya Prinsesa ni Patrick. Syempre, sila lang naman ang naghiwalay, hindi kami. Ahahaha."

"Ed!" Saway ni Patrick.

"Okay, okay. So Evans, siya si France, girlfriend ko, tapos ito naman si Channel pinsan niya tapos si Shannie girlfriend ni Patrick." Isa isa nitong tinuro ang mga babae at ngumiti naman ang mga 'to sa kanya.

Girlfriend niya...

I know right. Ano pa nga ba ang aasahan mo sa kanya Asher, he's nothing but a womanizer. I wonder kung ilang babae ang kinakalantari niya ngayon. Geez.

"Edmund? Hindi ba awkward yang pinag gagagawa mo? Nandito ang girlfriend oh?!" Saway ng girlfriend nito kay Edmund.

"2years na silang wala Babe, kaya okay na yang dalawang yan. Haha. Diba Prinsesa??"

"Oo naman." Joke! Gusto kong basagin ang pagmumukha ng kaibigan mo kaya ilayo niyo siya sa'ken! Okay ba yun? Hmp!

"See? Matagal na kasi yun so they've moved on. Kaya ikaw Shannie, wag kang mag alala."

"Oh.. Hindi naman. I trust Patrick." Sabi nung latest girlfriend ni Patrick.

Trust?

Hindi karapatdapat pagkatiwalaan ang lalakeng yan, gumising ka!

Asher is so sure na hindi niya ma e-enjoy yung party. Nagsisi tuloy siyang dumalo pa siya. Kung nalaman niya lang agad, di sana gumawa nalang siya ng alibi.

Laking pasalamat niya nang magsimula na ang party dahil na divert na ang atensyon ng lahat sa debutant.

Geez! I wanna go home.

And she was so sure na sumusulyap sulyap sa kanya si Patrick. Hindi siya feeler pero yun talaga ang nangyayari at siguro napansin ito ng girlfriend nito kaya kinukuha nalang nito lagi ang atensyon like....

"Baby say 'aaahh' .." anito at itinaas ang isang kutsara para subuan si Patrick.

"Err.. no thanks. Ayok---"

"Naaa.. sige na.. please?" Pa cute pang sabi nito kaya napilitang ngumanga si Patrick.

Funny that it doesn't hurt her. Ang nararamdaman niya lang, inis sa lalakeng minahal niya ng sobra sobra pero niloko lang siya.

At dahil nga wala na siya sa mood dahil sa presensiya ni Patrick, ibinuhos niya nalang ang atensyon sa pagkain. Hihintayin niya nalang na matapos ang programme para malapitan niya yung debutant at mabati ito personally. That's a great excuse to escape them.

And it was like forever nang matapos ang programme.

Akala ko di na matatapos. Ganito siguro yung naramdaman ng mga bisita ko nung debut ko. Tss.

"Err.. excuse me guys, pupuntahan ko lang yung debutant."

"Sure.."

"Babalik kapa ba?" 

Ano'ng klaseng tanong yan?! Sarap mong hampasin! Tss.

"Siguro. Hindi rin kasi ako pwedeng magtagal. Kailangan kong umuwi agad."

"Ay oo nga pala 'no? Your living a different lifestyle now. Sige sige Prinsesa, Go." Edmund wink at her. Napangiti naman siya.

So alam ni Edmund?

Pati rin ba si Patrick?? Geez.

STORY CONTINUES BELOW

Nagpunta siya sa may mini stage kung saan naka upo si Lara, marami pang nagkukumpulang tao rito kaya naghintay na muna siya sa may gilid. Nang matapos, saka na siya lumapit.

"Hi there.. Happy Birthday.." bati niya. Nanlaki naman yung mata nung bata at napatutop ng bibig. Nagulat naman siya sa inakto nito.

Nakakatakot ba siya? Nagulo ba yung buhok niya para magulat ito ng ganito??

"Err.. what's wrong? Am I that scary?"

"Waaaaah! It's you! It's really you! aaaaaahhh!! LIANNA ASHER EVANS! On my debut?? This is so... aaaahhh!"

"Heyy.. lower your voice, nagtitinginan na sa'ten yung mga bisita mo.." hiyang hiya niyang sabi.

"Waaah! I don't care.. basta gusto kong magtitili.. aaaah! Grabeh! Totoo ba 'to ha? Hindi ako nananaginip?" Tinampal tampal pa nito yung pisngi. "Totoo nga."

"Hey.. hindi ako artista okay?"

"Hindi nga pero Idol kita eeh. Your a model, a painter, tapos matalino kapa.. You can play different kinds of instruments na I find it so cool.."

"Eeeeh?! San mo naman nalaman yan?"

"Kay Dad, lagi ka niyang ikinu-kwento sa'ken. Tapos yung iba na search ko na sa internet. Waaaah! Graabeee! Pwedeng makipag selfie sayo? Tatanawin kong superduper best gift." Ipinagsakilop pa nito yung dalawang kamay at pumikit. Natawa nalang tuloy siya rito. "Err.. weird ba?".

"Hindi... ang cute." Sa sinabi niya, naluha ito sa sobrang saya..

"WAAAH! Pwede payakap na rin?"

"Sur---" at dinamba nga siya nito. Nadagukan pa nga siya eh, pero okay lang naman.

"Sorry.. sorry Miss Liann---"

"Masyadong formal? Ate Asher nalang.."

"Waaah!! Seryoso?! Ate Asher ang itatawag ko sayo??" Anito na kulang nalang mag hugis bituin ang mga mata.

"Positive.."

"Aaah! This is the best birthday gift EVER!"

Hindi inakala ni Asher na mag e-enjoy siya sa company nung bata. Yung plano niya lang ay bumati rito at umalis na pero sa sobrang hyper nito, nag enjoy siya. Kung hindi pa siya naiihi ay hindi pa sila titigil kaka daldal.

"Bumalik ka Ate ah?"

"Oo naman.. haha."

"Samahan kita?"

"Wag na.. Hindi ka magkakasya sa pinto ng restroom sa laki ng damit mo. Haha."

"Hahaha. Oo nga 'no? Sige Ate basta balik ka agad ah?"

"I will."

Nakangiti siya nung papunta sa CR, pero nang makasalubong niya si Patrick sa may garden, naglaho lahat ng ngiting yun.

"Ash.."

"It's Lianna Asher sa mga taong hindi ko close."

"Oh c'mon Ash.. please, let me---"

"I said it's Lianna Asher. Kung wala kang matinong sasabihin, Excuse me." Pero bago pa siya makalampas rito, he grab her arm. "Bitiw."

"Please, let's talk. I need to explain.."

"Explain? As far as I can remember, ikaw ang nakipaghiwalay sa'ken. Inamin mong niloko mo'ko ng apat na taon. Oh diba nag explain kana? Ano pa ba ang sasabihin mo?"

"It was your cousin that force me to do it! Ayokong makipaghiwalay sayo. Pero tinakot niya k---"

"So sinisisi mo pa si Kuya Jayze ?! It's thanks to him na nalaman ko ang kabulastugang pinag gagagawa mo dahil kung ikaw lang, for sure hindi mo sasabihin sa'ken!"

"Ash please.. I'm sorry okay? Balik kana sa'ken. Kaya ayokong sabihin yun sayo dahil alam kong iiwan mo'ko. I still love y---"

"Love? Ako lang yata ang nagmahal nun Patrick eh. And let me tell you this, hindi na ako ang dating Asher na nagagawa mong paikot-ikutin sa mga kamay mo. Yung Asher na nagbubulagbulagan sa mga pinag gagagawa mo. Matagal na siyang nawala. Dalawang taon na ang nakalilipas kaya kalimutan mo na siya. Bumalik kana dun sa girlfriend mo at baka hinahanap kana nun."

"Ayoko sa kanya. Ikaw parin ang mahal ko Asher, please. Bumalik kana sa'ken."

"Talagang gag---"

"Eh gago ka pala eh! Kung mahal mo siya bakit niloko mo siya? Tss." Napalingon si Asher, and she was shocked to see Haze.

"At sino ka naman?!"

"Sino ako? Asawa ni Asher. May problema ka?"

"What?! You must be kidd--"

"Totoo yun Patrick. Haven't you heard? Mag iisang buwan na'kong kasal. Alam nga ni Edmund eh. This just only shows na wala ka talagang paki alam sa'ken. Huh. Now it's all clear."

"Niloloko mo lang ako! Hindi kapa kasal! You're just doing this to stop me from coming after you!"

"Let's go Haze.." aniya.

"Asher!" He grab her arms pero pumagitna si Haze at tinanggal ang kamay nito sa braso niya.

"Don't go near my wife again, or else I'll kill you." Banta nito, in his serious mode again kaya hindi na nakapag salita si Patrick.

She's never been thankful that she's married to Haze until tonight.

***

#ThePAST

©Nezzzy113/Leypotato

---

A/N:

And again, votes and comments are highly appreciated. :*