Chapter 24: Calabash Brothers
Masyadong malakas ang impact ng mga salita ni Lu Jingli – matagal bago ito na-digest ni Ning Xi.
Tinignan ni Ning Xi ang batang siopao na nakakapit sa kanya nang mahigpit. "Little Treasure, sinira mo lahat ng mga 'yun dahil gusto mo akong makita?"
Tumango si Little Treasure.
Nagsalubong ang kilay ni Ning Xi, "'Di mo ba alam na mali 'yung ginawa mo?"
Umiling si Little Treasure.
Naiintindihan na ngayon ni Ning Xi kung bakit mahigpit si Lu Tingxiao. Malamang ay sobrang spoiled ng batang 'to kaya pakiramdam niya lahat mangyayari ayon sa gusto niya.
Naging seryoso ang tingin ni Ning Xi. "Sinasabi ng tita sa'yo ngayon ah, hindi tama 'yung ginawa mo. Mga bad children lang ang gumagawa non, kaya 'wag mo nang uulitin, okay?"
Tumango si Little Treasure.
'Di maipaliwanag ang mukha ni Lu Tingxiao.