Sa isang iglap magkasama na sila sa tirahan?

Chapter 25: Sa isang iglap magkasama na sila sa tirahan?

"Oo."

Pinagdiskitahan ni Ning Xi ang buhok sa kaba. "Ito… hindi ba 'to inappropriate? Kung gusto ako makita ni Little Treasure pwede naman akong bumisita kahit kailan!"

Parang pagod si Lu Tingxiao at napahawak sa noo. "Masyado kasing maraming unpredictable factors ang involved dito. Lalo kapag sa gabi nangyari ang emergency situation, delikado na magmadali ka nanaman papunta dito. At dahil sa posisyon ko, 'di convenient na lagi kong dadalhin si Little Treasure sa inyo para makita ka. Alam ko malaking abala 'tong request ko, pero ginagawa ko 'to bilang ama ni Little Treasure kaya sana pumayag ka."

Sumakit ang ulo ni Ning Xi.