Chapter 27: Fauvism
Sa isang sulok, tahimik na inobserbahan ng matandang mayordomo ang dalawang tao sa sala.
Napansin niyang hindi umaasta si Ning Xi tulad ng inaasahan niya. Akala niya desperado nitong gagawin ang kahit ano para makuha ang loob ng young master nila, sa halip buong araw lang 'tong nagbasa ng script.
Samantala, ang munting young master nagbabasa lang at nag-dodrawing gaya ng nakagawian. Wala masyadong pinagkaiba pero kung oobserbahang mabuti, mapapansing paminsan-minsan ay sumusulyap ang bata kay Ning Xi at lalong nabubuhay ang diwa.
Ang mga babaeng masyadong maganda, minsan nagdudulot ng insecurities sa iba. Kaya nang unang makita ng matandang mayordomo si Ning Xi, nag-alala siya na baka nalinlang lang ang pinakamatandang young master nilang si Lu Tingxiao.
Mula sa nakikita niya sa ngayon, wala namang ginagawang mali si Ning Xi, pero pwede ring naghihintay lang siya ng tamang pagkakataon…