Chapter 28: Mapaghahari-hariang CEO
"First time magdrawing ni Little Treasure ng portrait," pagbanggit ni Lu Tingxiao nang makita ang hawak na drawing ni Ning Xi.
"Talaga? Then I'm honored!" natuwa si Ning Xi.
"Anong gusto mong kainin mamaya?" tanong ni Lu Tingxiao.
Hindi lang pala gastos sa pagtira niya ang sagot dito kundi pati pagkain.
Sasagot pa lang si Ning Xi nang mag-ring ang cellphone niya.
Tumatawag si Chang Li.
May inayos kaya 'tong minor role para sa kanya?
"Hello, Chang Li."
"Ning Xi, mamayang tanghali na 'yung opening ceremony para sa
"Ha? Tanghali? Ngayong tanghali?"
"Tama. Ngayong araw."
"Chang Li, bakit 'di mo sinabi sa'kin nang mas maaga? Mag-aalas onse na!"
"Anong mas maaga? 'Di ba sinasabi ko na nga sa'yo ng isang oras bago yung event?"
"Kulang ang isang oras para makarating ako doon, tapos magbibihis pa ako saka mag-aayos…"