Ang Mapapangasawa ng Boss

Chapter 29: Ang Mapapangasawa ng Boss

Ano ngayon?

Halos mabilaukan si Ning Xi. "Big Boss Lu, alam ba ng mga empleyado mo na inuutusan mo silang tulungan ang artista ng ibang kumpanya?"

Mukhang wala silang kaalam-alam. Sa ngayon 'di pa siya kilala, pa'no nga ba naman siya makikilala ng isang diyos tulad ni Arthur?

Wala na naman siyang laban kay Lu Tingxiao.

Subsidiary ng Lu Corporation ang Glory World Entertainment!

Kahit na si Lu Jingli ang nagmamanage ng Glory World, ang ultimate boss pa rin sa likod ng camera ay si Lu Tingxiao.

Noong nakaraang limang taon, pinasok ng Lu Corporation ang entertainment industry nang sila ang mamuno sa Glory World Entertainment at gumawa sila ng entertainment empire na nakipagkumpitensya sa pinakamatanda at pinaka-established na entertainment company, ang Starlight Entertainment.