Opening Ceremony

Chapter 30: Opening Ceremony

Sa opening ceremony ng .

Lahat ng cast at crew ay nakarating na; nagsisi-flash ang mga camera at dinumog ng mga paparazzi ang event, may malaking grupo pa ng mga fans sa tabi.

Karamihan ng mga fans ay nakapalibot kina Ning Xueluo na female lead actress at kay Zhao Sizhou na male lead actor.

Ang isa ay natatanging leading lady ng Starlight at ang isa naman ay isang Academy Award winner. Isa itong good-looking pair at inaasahan talagang makakatawag ng pansin ng marami.

"Xueluo, alam naman ng lahat na pangalawang beses niyo nang magtatambal ni Sizhou bilang on-screen couple. Sa tingin mo ba pwede kang ma-fall sa kanya sa totoong buhay?"

"Haha, napakagwapo ni Sizhou, pero imposible 'yan dahil wala nang lugar sa puso ko para sa kanya!"

Lahat ng reporters ay nagkagulo sa sagot niya.