Chapter 31: Ang talas ng paningin mo!
May paghihintay sa mukha ni Director Guo pagkatapos niyang magsalita.
Natural lang na tumingin rin ang mga reporter sa direksyong tinutukoy ni Director Guo. Lahat sila ay namangha.
Nakasuot si Ning Xi ng isang magenta dress na gawa sa lace. Nabigyang-diin ng tabas ng damit ang nakakahumaling na bewang ni Ning Xi maging 'yung neckline talagang naipakita ang matikas na collarbone niya. Mas mahirap dalhin ang kulay na suot niya kaysa sa pula. Kahit na katangi-tangi ang disenyo ng damit, magmumukhang masagwa o nakakatakot kung ibang tao ang may suot.
Pero parang ginawa talaga para kay Ning Xi 'yung damit – lalo siyang gumanda dito at talagang namangha ang lahat.
Pakiramdam ni Ning Xi nung una ay 'di niya mabibigyang hustisya 'yung damit nang piliin 'yun ng stylist, nakumbinsi na lang siya pagkasuot niya nito.