Chapter 32: Mapanggulong mga Ex
"Ay 'di pala pwede, baka mali lang ang tingin ko…" mabuti na lang, 'di na hinintay ng reporter na sumagot si Ning Xi at binawi rin ang tanong.
Naalala siguro niya na artista ng Starlight si Ning Xi kaya paano mangyayaring ang personal stylist ni Su Yimo mula sa Glory World Entertainment ang mag-sastyle sa kanya?
Nakahinga nang maluwag si Ning Xi. Dahil natakot siyang may magtanong ulit kagaya nu'n, sinabi niyang, "Opening ceremony ngayon para sa
"Ayun, Miss Ning, kung maaaring itanong, ito ba ang una mong drama?" tanong ng isa mula sa grupo.
"Syempre hindi, nagsimula na ako sa acting noong nasa university pa lang ako, pero 'di gaanong marami 'yung scenes ko kaya walang nakakakilala sa'kin," matapat na sagot ni Ning Xi, nang walang pagkakabahala na medyo kulang ang kanyang resume.