Gusto mo 'kong madapa? Asa ka!

Chapter 33: Gusto mo 'kong madapa? Asa ka!

"Xueluo, si Ning Xi ay junior mo sa industriya. Anong masasabi mo tungkol sa pag-arte niya bilang si Meng Changge?" tanong ng isang reporter kay Ning Xueluo.

Mabilis na nagpalit ang ekspresyon ni Ning Xueluo na naging easygoing at elegante bago siya sumagot, "Napaka-talented niya. Siguradong wala siyang madidisappoint…"

Kapag tinanong tungkol kay Ning Xi, puro papuri at pagbati si Ning Xueluo.

Kahit sinong walang alam iisipin na pinopromote lang niya ang junior niya, pero kilala ni Ning Xi na isang mapagbalak na tao si Ning Xueluo.

'Di naman talaga siya tinutulungan nito, sa halip, isineset up lang siya nito para bumagsak.

'Di pa opisyal na nagsisimula ang opening ceremony pero abot-langit siyang pinupuri ni Ning Xueluo – sa taas ng magiging expectations ng tao sa kanya, kahit ang pinakamaliit na pagkakamali maaaring magresulta sa kabiguan.