Chapter 34: Isang palabas ng mabuting ama at mapagmahal na anak
"'Di ko inaasahang darating si Chairman Ning sa kabila ng busy schedule niya para pumunta sa opening ceremony namin! It really is such an honor!" wika ni Director Guo.
"Halika po, Chairman Ning, upo po kayo dito!" ibinigay ni Producer Wang ang upuan niya para makatabi ni Nng Yaohua ang anak niya.
Puno ng pagmamahal ng ama ang tingin ni Ning Yaohua kay Ning Xueluo. "You're too polite, Director Guo. Nasa pangangalaga mo ang anak ko."
"Chairman Ning, the apple doesn't fall far from the tree, at namumukod-tangi po ang anak niyo, 'di niya nga ata kailangan ng pangangalaga ko!"
"Palaging busy ang batang 'to, bihira ko na makita. Kung 'di dahil sa pagpunta ko dito baka 'di ko na talaga siya nakita at all!" kahit na mukhang naiinis si Ning Yaohua sa sinabi, bakas sa mukha niya ang pagkagiliw.