Chapter 36: Sinong diyos ng kayamanan 'to?
"Su Yan, bakit ka pa nagpunta? 'Di ba sabi ko 'di mo na 'ko kailangan sunduin?" parang maliit na ibon si Ning Xueluo na masayang lumapit sa kasintahan niya.
"Nag-alala kasi ako. Umuulan sa labas," inalis ni Su Yan ang jacket niya at inilagay sa balikat ni Ning Xueluo, may pagkadismaya sa tingin niya. "Bakit kulang sa tela 'yang suot mo?"
Kasing tamis pa rin ng asukal ang mukha ni Ning Xueluo. "Ikaw talaga, ilang taon bang tingin mo sa'kin at tinatrato mo 'kong parang bata!"
'Di makatayo nang tuwid si Ning Xi habang nakahawak sa malamig na pader at pakiramdam niya sobrang malas niya.
Buong gabi, kung hindi ang pagmamahal ng isang ama para kay Ning Xueluo ang nakikita niya, nanonood naman siya ngayon ng love life ni Ning Xueluo.