Chapter 37: Pagpasok sa Pambabaeng CR para maghanap
Sa loob ng sasakyan, malungkot na nakatitig si Little Treasure sa cellphone.
Inalis ni Lu Tingxiao ang seatbelt niya. "Papasok ako para hanapin siya, hintayin niyo 'ko rito."
Biglang hinila ni Little Treasure ang suot ng ama niya, parang nagsasabi na gusto niyang sumama.
Tinignan lang ni Lu Tingxiao ang anak. "Kung sakaling lasing siya, sinong bubuhatin ko, ikaw o siya?"
Sumimangot si Little Treasure sa 'di pagsang-ayon. 'Di niya kailangang magpabuhat.
Nandilim ang mukha ni Lu Tingxiao. "Sayang, kasi pagtapos ng nangyari nitong huli, nawalan ako ng tiwala sa'yo. 'Di ako naniniwalang kaya mong alagaan ang sarili mo. If it happens again, even I cannot handle the consequences. Naiintindihan mo ba?"
Napayuko na lang si Little Treasure sa pagkaka-reject.
Nang mapansing naging masyado nanaman siyang malupit, hinaplos niya ang ulo ng anak at ginulo ang buhok nito. "Babalik ako agad."