Chapter 38: Ikaw ang Big Demon King
Maswerte si CEO Lu dahil gabing gabi na at wala nang tao sa pambabaeng CR. Nakita niya kaagad si Ning Xi, lasing na lasing at nakaupo sa sahig habang nakasandal sa isang cubicle door.
Nakakalat ang suot niyang high heels at nakasaboy sa sahig ang mga laman ng bag niya. Maging 'yung buhok niya ay magulong nakatakip sa mukha niya. Ibang iba siya mula sa itsura niya kanina nang umalis siya na parang isang diyosa.
May malasakit sa mga mata ni Lu Tingxiao nang pulutin nito ang bag ni Ning Xi at isa-isang pinulot ang mga gamit na nasa sahig. Huli niyang kinuha ang mga sapatos nito bago hinawakan si Ning Xi sa bewang para suportahan ang pagtayo nito.
Bubuhatin pa lang niya si Ning Xi nang kumapit ito sa cubicle door at tila ayaw bumitaw. Mukhang nabahalasiya at lasing na lasing habang nakatitig kay Lu Tingxiao. "Sino ka?"
"Lu Tingxiao."