Chapter 39: 'Di naman makapal
"L*che siya! Ano bang akal niya sa sarili niya?!" bigla na lang sumuntok si Ning Xi. Kung 'di nakailag si Lu Tingxiao, mula sa lakas ng suntok na 'yun, siguradong magkakabali ang panga niya.
"'Di dapat nagmumura ang mga babae," may kunot sa noo ni Lu Tingxiao.
Pero sa totoo lang, ang cute niya habang nagmumura.
Lasing na lasing si Ning Xi pero may natitira pa siyang gising na diwa. Ramdam niyang walang masamang hangarin ang nakayakap sa kanya at napakarahan pa nga nito, kaya unti-unti rin siyang huminahon. Nanatili na lang siyang nakakalong dito pero 'di na nagpupumiglas, patuloy lang dumadaldal dala ng kalasingan. "This old woman, iniisip niya na 'di na worth it… otherwise, otherwise base sa mukha ng matandang 'to… I can find an even bigger… the biggest and thickest thigh to hug[1]… Akala niyong lahat mahahadlangan niyo 'ko… aalis ako at maghahanap ng… I'll go now…"