Chapter 40: Darling, Gusto talaga kitang pakasalan
"Ahem, 'di rin naman siya masisisi. Nung nasa ibang bansa si Ning Xi, lahat ng na-link sa kanya puro fling lang. Pagtapos niya sa kanila, itinatapon na niya. Sobrang cool niya nga eh, pero itong si Su Yan lang ata 'yung nag-iisang lalaking minahal niya."
Mas mabuti pa kung wala nang sinabi pa si Lu Jingli. Pagkatapos niya kasing magpaliwanag, lalo lang pumangit ang ekspresyon ni Lu Tingxiao.
Walang masabi si Lu Jingli. 'Di pa nga kayo nagdedate eh, anong karapatan mong tumingin nang ganyan na parang gusto mo i-massacre lahat ng ex niya?
"Kuya, kung plano mong hintayin na mahulog 'yung loob niya sa 'yo, dapat dalhin mo muna siya sa Glory World – ang incovenient kasi na nasa Starlight siya na competitor natin. From what I know, miserable din siya 'dun dahil katrabaho niya si Ning Xueluo," pagrereklamo ni Lu Jingli.