Chapter 44: Flirting Skills Awakened
Nang kumalma na si Ning Xi, saka lang niya na-realize na halos kalahating oras pala siyang umiyak sa mga bisig ni Lu Tingxiao.
Damn it… what the hell…
Maliban na lang kung kailangan sa acting, pero limang taon na mula nung huli siyang umiyak.
"Uh, sorry nadumihan ko pa yung damit mo…" nahiya si Ning Xi sa iniwan niyang baks ng luha sa damit ni Lu Tingxiao.
"Ikinararangal ng shirt ko," sabi ni Lu Tingxiao na may bahagyang ngiti.
Nagulat si Ning Xi, at nagwala ang puso niya.
Buong akala niya, si Lu Tingxiao yung tipo ng genius na may mataas na IQ pero mababang EQ.
'Di niya akalaing kaya palang makipag-flirt ng Big Demon King nang ganun ka-swabe!
Nainggit siya! Mas magaling si Lu Tingxiao kaysa sa kanya.
Inabot ni Lu Tingxiao ang ulo ni Ning Xi para ayusin ang buhok nito na parang natural lang sa kanya. "Anong sunod mong gagawin? Maghahanap ng big thigh?"