Repayment Method

Chapter 45: Paraan ng pagbabayad

"Anong problema? 'Di ka ba satisfied?" Tumayo si Lu Tingxiao sa likod ni Ning Xi.

Napahawak sa mukha si Ning Xi. "'Di 'to usapang satisfaction…"

"Eh anong problema?"

"President Lu…"

"Use my name."

"Fine, Lu Tingxiao, hindi ba parang… masyado kang mabait sa'kin?" sobra kasi niyang mapagbigay iba na tuloy ang naiisip ni Ning Xi.

"Na-realize mo din na mabuti ako sa'yo," tinignan siya ni Lu Tingxiao na parang isang estudyanteng karapat-dapat turuan.

Ning Xi: "…"

Nandilim ang mga mata ni Lu Tingxiao nang mapansin niya ang pagbabago sa mood ni Ning Xi pero naka-recover din agad ito. "Iniligtas mo si Little Treasure, baka matagal pa niyang kailanganin ang tulong mo. May problema ba kung maging mabuti ako sa'yo?"

Tumigil siya saglit at tinignan si Ning Xi. "Kung hindi, gusto mo bang bayaran kita sa ibang paraan?"