You Are My Angel

Chapter 46: You are my Angel

"Ning Xi, natutuwa man kami ni Producer Wang at Writer Ye sa'yo, masaklap ang katotohanan. We can't make films on feelings alone, pinaka-importante ang funds. Minsan wala sa amin ang desisyon pagdating sa casting. Alam mo kung sino? 'Yung may pinakamalaking pera!"

Habang nakikinig, parang batong lumubog sa ilalim ng dagat ang puso ni Ning Xi. Napalitan na nga ba siya matapos ang lahat? Eh bakit siya pinapapunta ni Chang Li sa taping?

"Hinanap ako ni Chairman Ning kagabi. Pakiramdam daw niya masyado kang baguhan at 'di siya pabor na i-cast ka. Pero…" huminto sagli si Guo Qisheng.

Gustong hilahin ni Ning Xi ang director mula sa telepono at ibalibag ito. 'Di mo ba pwedeng sabihin na lang lahat?

"Pero maswerte ka, Ning Xi. Sobrang impressed sa'yo ang isa pang investor, kaya siguraduhin mong gagalingan mo!"