Chapter 54: Sister-in-law
Kinabukasan.
Pagkaalis ni Ning Xi, tinawagan ng 'di mapakaling Lu Tingxiao si Lu Jingli.
"Magpadala ka ng tao sa set."
"Bro nag-aalala ka bang may nambubully kay sister-in-law? 'Yan talaga ang pinagdadadaanan ng mga gustong sumikat, magiging mas matatag siya! Kapag 'di niya 'yan nalagpasan mag-isa, 'di siya matutulong tumayo sa sariling paa niya!" ginamit ni Lu Jingli ang parehong tono na ginagamit ni Lu Tingxiao kapag nagbibigay ng lecture.
Lu Tingxiao: "'Di niya kailangan ng mga 'yun."– ibig sabihin, siya ang poprotekta kay Ning Xi.
Lu Jingli: "…" Hehe.
Hindi masaya ang puso ni Lu Jingli sa pagiging biased ng kapatid niya.
"Last year ni walang isang salita mo 'kong ibinato sa gulo ng Glory World at wala kang hinayaang tumulong sa'kin."
"Okay, okay, magpapadala ako ng tao sa set para siguraduhing walang ni isang hibla ng buhok ni Ning Xi ang masasaktan!"