Everybody Wants to Teach Him How to Chase Girls

Chapter 55: Lahat na lang gusto siyang turuang maghabol ng babae

Minsan na niyang natanong si Qin Mufeng kung anong pakiramdam ng magkagusto sa isang tao; ang sabi lang ni Qin MUfeng ay malalaman niya lang kapag nakilala na niya 'yung taong 'yun.

Akala niya noon, walang kwenta 'yung sagot na 'yun.

Nung nakilala niya si Ning Xi, na-realize niyang tama ang lahat.

"Congrats! Napakaraming asexual ang walang nakikilala para sa kanila sa buong buhay nila!" Buong pusong kinongratulate ni Qin Mufeng ang kaibigan.

Bukod sa heterosexuals at homosexuals, sa mundong 'to, meron ding mga asexual.

Hindi naman sakit ang asexuality at hindi rin ibig sabihin na malabo ang sexual orientation nila o takot sila sa intimacy; sa simpleng salita, "lack of interest in sex" ang meron.

Dahil sa kundisyong ito, naisip pa ng nanay nila na ipa-drug kay Lu Jingli ang sariling kapatid…