Chapter 57: Siguradong Exciting
Nang oras na para sa makeup ni Ning Xi, nagdabog ang makeup artist at tinawag siya nang pasigaw. "Ning Xi, halika na para sa makeup mo!"
Ibinaba ni Ning Xi ang script at lumapit sa makeup artist. "I appreciate it."
Mabigat sa loob ng makeup artist na gawin ang makeup ni Ning Xi; tinignan ni Ning Xi ang makeup tools at pinigilan gamit ang isang kamay.
"Ano'ng ginagawa mo?"
Marahang nagsalita si Ning Xi, "Sister Amy, pwede ko po bang gamitin ang sarili kong makeup? Medyo sensitive po kasi 'yung balat ko baka allergic ako sa ibang brands…"
"Hindi pwede, hindi ganun dito. Ikaw ba mananagot kapag 'di maganda yung makeup? 'Di ba okay ka naman kahapon?" naiinip na si Amy at tinignan si Ning Xi na parang nakakaistorbo na siya.