Chapter 58: Dreaming Of Riding An Armored Horse to Cross A Frozen River
Habang napaliligiran ng masasayang ingay, sumandal si Ning Xi sa chaise lounge at uminom na parang nasaibang mundo siya.
Nilagpasan ng alak ang pulang mga labi ni Ning Xi at dumaan sa kanyang mahaba at eleganteng leeg, at mapangakit na dumulas sa kanyang collar…
Napakaganda ng eksena at lahat ng lalaki sa set ay nakatitig na parang natuliro.
Sadyang nag-zoom in ang camera man para sa close-up.
"The strong wind carries the rain over the rivers to the dark village, the downpour on the mountains around us is like waves raging hard…" habang binibigkas ng lasing na Ning Xi ang tula, tumayo siya nang 'di tuwid.
Sa sumunod na iglap, ibinato niya ang baso nang may kalansing at nagsimulang sumayaw nang may magulong mga hakbang. "The wood is burning and my felt is warm, my cute cat and I stay inside…"