The Second Male Lead Is A Very Handsome Big Star

Chapter 59: Isang napakagwapong Big star ang Second Male Lead

Kahit na napatunayan ni Ning Xi ang acting skills niya ngayon, 'di nakabuti sa reputasyon niya ang nangyari; dahil masyado siyang magaling, tingin nila isa siyang vixem, iniisip nila 'di lang siya umaarte at nagpapakita lang ng sarili niya.

Natakot si Director Guo na maging unstable ang mood niya kaya lumapit 'to para i-comfort ang dalaga. "Ning Xi, easy ka lang. Makakasama rin natin next month ang second male lead, marami pang mangyayari!"

Pilit na ngumiti si Ning Xi. "Director Guo, sino po ba kasi 'yung second male lead? Mula po nung simula isinisikreto niyo na, ni wala pong clue. Maiintindihan ko po kung itinatago niyo sa media para sa gimmick pero 'di niyo po ba pwedeng sabihin sa'min?"

"'Di ko pa rin pwedeng sabihin, pa'no pag may mag-leak? Anyway, ang masasabi ko lang sa'yo, isa siyang big star!" pamisteryosong sagot ni Guo Qisheng.