Love You For Ten Thousand Years

Chapter 60: Love You For Ten Thousand Years

Hindi sa 'di napansin ni Ning Xi na kakaiba ang pakikitungo ni Lu Tingxiao sa kanya, pero tumigil sa tamang punto si Lu Tingxiao. Kung mag-ooverreact siya, magmumukhang iniisip niya na may ibang nararamdaman si Lu Tingxiao kahit wala naman.

Kaya parang sumasagot lang sa normal na tanong, normal lang ding sumagot si Ning Xi: "Male!"

Bahagyang nanliit ang mga mata ni Lu Tingxiao. "Uuwi ka ba ngayong gabi?"

'Yung tanong… kapag pinagtuunang pansin nagtutunog na parang…

Inilabas ni Ning Xi ang acting skills niya at nagpanggap na walang ibig sabihin 'yung tanong kaya walang bahalang sumagot, "'Di ako sigurado eh, pero pag pauwi na ako, tatawagan kita. Malelate na ako, akyat muna ako ha!"

Ngayong gabi, maraming 'di inaasahan ang mangyayari; pa'no kung 'di na niya kayanin ang pagkabwisit at mauwi sa pambubugbog niya kay Jiang Muye buong gabi?