Good Grandson

Chapter 61: Mabuting Apo

Tumakbo si Ning Xi papunta sa restroom sa likod niya. Pumasok siya sa isang cubicle at binuksan ang malaking black satchel at naglabas ng kung anu-anong mga kagamitan, at nagsimula na nga siyang mag-apply ng makeup.

Pagkalabas mula sa CR, isa na siyang matandang babaeng may ulong puno ng putting buhok.

Tumunog ang cellphone niya.

Inilabas ito ni Ning Xi at tulad ng inaasahan, galing kay Jiang Muye.

Evil Fairy King: Ning Xiao Xi! Bibigyan lang kita ng 5 minutes para harapin ako or else i-eexpose ko ang relasyon natin sa publiko!

F*ck!

Chineck ni Ning Xi ang makeup niya sa huling beses at mabilis na tumakbo papunta sa piankamakapal na dami ng tao.

Mukhang kaawa-awa at kinakabahan si Ning Xi. "Ahem ahem, makikiraan, makikiraan… ahem ahem, mga mababait na bata pwede niyo ba akong padaaning para makita si Ah Ye?"

"Ah! Guys, walang tulakan! May matanda dito!"