So Handsome My Legs Are Weak

Chapter 69: Sobrang Gwapo, Nakakapanghina ng Tuhod

Walang pinagkaiba ngayong araw ang production crew, 'di naman sila kumikilos nang kakaiba dahil lang parating na ang second male lead.

Napapalibutan ng mga babae na parang gusto siyang sambahin ang bidang lalaki na si Zhao Sizhou habang nakikinig sila sa mga kwento nya tungkol sa dakila niyang karanasan sa entertainment industry. Samantala, lalo namang nagiging maganda ang pagkakaibigan nina Jia Qingqing at Ning Xueluo at masaya silang nag-uusap tungkol sa diamond bracelet na bigay ng tatay ni Jia Qingqing.

Si Ning Xi lang ang 'di mapakali. Kung tutuusin naman kasi, marami siyang scenes kasama ang second male lead at malaki ang magiging epekto sa kanya ng galing nito sa acting.