Chapter 70: Mas Malalim na Koneksyon?
Sino ang hottest hunk sa entertainment industry ngayon?
Kahit na sinong tanungin, iisang pangalan lang ang isasagot nila – Jiang Muye!
'Di pa rin matanggap ni Jia Qingqing ang katotohanan hanggang ngayon at nagpabalik-balik siya ng lakad. "Is this a mistake? Hindi ba dapat nasa ibang bansa siya ngayon nag-shushoot? Kahit na nakauwi na siya, pa'no niya nagawang tumanggap ng minor second male lead?"
Nag-isip isip din si Ning Xueluo, "Sabi nga nila 'di tumatanggap ng ibang role si Jiang Muye bukod sa male lead. At saka, ang main investor ng movie ay Starlight kaya bakit kaya, isang Glory World artist tulad niya ang gaganap sa role?"
Mababaliw na si Jia Qingqing na kanina lang ay nag-akalang ang swerte niya dahil 'di siya mapapagsamantalahan. "D*mn it! Bakit ganito? Bakit ang swerte ni Ning Xi? Akin lang si Jiang Muye, akin! Inagaw niya kasi 'yung role na para sa'kin!"