Chapter 71: Isang bully na nagnanakaw ng busilak na bulaklak
"Don't worry, don't worry. Tignan natin kung ano'ng magandang scene!" excited na naghagilap ng scene si Guo Qisheng mula sa script.
Sa isip isip ni Ning Xi: Direk, piliin niyo 'yung Scene 46! 'Pag 'yun 'yung ipapagawa niyo, sigurado gagalingan ko!
Sa eksenang 'yun aakitin si Sun Huanqing sa barracks ng isang babaeng iniligtas niya. Akala ng mainitin ang ulo na si Meng Changge na pinagtataksilan siya nito kaya binugbog niya ang lalaki…
Parang nabasa ni Jiang Muye ang isip niya at bumulong kay Ning Xi: "Dearest, excited ka na ba para sa eksenang bubugbugin mo 'ko?"
Biglang lumayo si Ning Xi na para siyang nakuryente. "Sira ulo, layuan mo nga 'ko!"
Dahil sa lalaking 'to, lalo lang tumindi ang galit ng mga tao sa paligid niya at wala nang makakapagtanggal nito.