Chapter 74: Parang nawalan ng laman ang katawan niya
Bagay na bagay ang dalawang aktor at mahusay ang ipinakita nila pareho, lalo na si Ning Xi at talagang na-hook niya sa istorya ang mga nanonood at naalis nito ang bias ng ibang tao sa kanya.
Sa simula, walang may gusto na mapalapit si Ning Xi sa idol nila pero ngayon parang gusto na nilang bilisan niya ang pagkilos at gawin na ang dapat gawin. Kasing exciting ata ng mga naiisip nilang gawin ang panoorin si Ning Xi na gawin 'yun kay Jiang Muye.
Syempre naiinggit pa rin ang marami kay Ning Xi nang bumalik sila sa kani-kanilang mga wisyo. Pinalibutan nila si Jiang Muye para kumustahin at para batiin ang husay niya sa pag-arte.
Ngayon, bukod kay Jia Qingqing, isa pang napakalugmok na tao sa cast ay si Zhao Sizhou.
Noong una, siya ang may pinakamataas na posisyon sa crew at pinakasikat sa mga babae, pero sa pagdating ni Jiang Muye, nawala sa kanya ang atensyon at iniwan siya sa ere.