Chapter 75: Honey Trap?
Kung gusto ni Lu Tingxiao na maging "The Last Judge" doon, bakit niya kailangang pumunta at iligtas sila?
Sobrang hindi makatwiran 'yung tawag ni Lu Jingli!
Nung una, maghuhugas kamay na lang sana si Ning Xi sa sitwasyon, pero sa 'di malamang dahilan, nagiguilty siya…
Damn it! Ano ba'ng pake niya?
Sa oras na napagdesisyunan niyang kalimutan na lang 'yun, nagpadala naman si Lu Jingli ng video.
Sa video, parang kutsilyong makabasag-screen ang mapanlamig na tingin ni Lu Tingxiao at ikinatakot ito ni Ning Xi. Blangkong nakatitig si Ning Xi sa screen hanggang mapagtanto niya na si Lu Jingli ang tinitignan ni Lu Tingxiao sa video.
"Lu Jingli, may kalahating oras ka lang para ulitin 'tong proposal. Gawin mo mismo dito! Kung 'di mo matatapos, pumunta ka na ng finance department para sa huli mong paycheck!"
Nag-blackout na ang screen.
Ning Xi: "…"