Throw A Card Without Saying Anything

Chapter 80: Magbigay ng Card nang walang sinasabi

Pagkatapos tulungan ang munting siopao na magbihis, pumunta rin si Ning Xi sa kwarto niya para magpalit ng damit.

Nagkataon namang meron din pala siyang parehong outfit na katulad nung kay Little Treasure. Madali niya itong sinuot at ipinares sa denim overalls.

Paglabas niya pagkatapos magbihis, nagliwanag ang mga mata ni Little Treasure nang makita siya.

Tinignan siya ni Ning Xi at tinignan ang sarili. Puno ng saya at tuwa ang mukha niya, inabot niya pa ang rabbit ears sa hood ng damit ni Ning Xi. Halatang masaya siya na pareho ang suot nila ni Tita Xiao Xi niya.

Nang handa na sila pareho, narinig nila ang tunog ng kotse sa may entrance.

Nakauwi na si Lu Tingxiao.

Nasa 30ºC sa labas pero parang nanggaling sa lugar ng puro yelo at nyebe si Lu Tingxiao habang naglalakad siya papasok gamit ang mahahaba niyang biyas at mapagmataas na kilos.