The Little Deer Is Dizzy[1]

Chapter 81: Nahihilo ang munting usa [1]

Naging mabilis ang tibok ng puso ni Ning Xi dahil sa mga narinig niya.

"Kuya, easy ka lang, pa'no mo naman nasabing kakaiba 'yung tingin sa'kin ni Lu Tingxiao?"

Lalo pa nung sinabing 'yung tingin niya parang tingin ng isang asawa…"

"Ahem ahem, Malabo ata 'yung mata nung lalaki!" sabi ni Ning Xi kay Lu Tingxiao.

Pagkatapos naman magsalita ni Ning Xi, tumango naman 'yung babaeng kausap ng lalaki. "Tama nga! Tignan mo 'yung batang lalaki, kahawig niya 'yung daddy niya pero mukhang sa mommy niya nakuha 'yung mga mata niya, lalo pag ngumingiti…"

Parang hihimatayin si Ning Xi. "Ahem, pati 'yung babae malabo ang mata…"

Pa'no naman niya magiging kamukha si Little Treasure eh hindi naman siya 'yung nanay?!

Kalmadong tinignan ni Lu Tingxiao ang mata ni Ning Xi. Sa totoo lang, magkahawig nga sila.