Litrato at ang Video

Ang pag-ako ni Tangning na kasalanan nitong lahat ang mga nangyari ay nalinis ang pangalan ng Tianyi. Tinanggap din ng HF ang pag-hingi ni Han Yufan ng tawad dito at ang naging tagapagsalita nila ay naipasa kay Mo Yurou dahil inilaan na ito sa kanya at siya ang naging biktima. At dahil sa nangyari, inaasahan tumaas pa ang pagkakakilala ng mga tao sa kanya.

Naging maayos ang lahat para sa Tianyi Entertainment at kay Mo Yurou, pero kabaliktaran nito ang nangyari kay Tangning.

Sa isang iglap, naging 'Queen of Hype', 'Scheming Model", 'Green Tea Bxxxx* Tangning' at kung ano - ano pang mga termino ang nagsimulang naglabasan sa mga search rankings at nagreresulta ay humahantong sa mga masasakit na salita.

Nakaupo lang si Tangning habang pinapanuod ang mga lumalabas sa news. Sinusukan niyang maging kalmado dahil alam niyang ang pagtitiis na iyon ay mapupunta lang sa kanyang ulo…