Kadalasan ang ospital ay may pangkaraniwang hindi kanais - nais na amoy. Habang papasok si Tangning kasama ang assistant ni Han Yufan, mag-isa lang siya at walang kasamang assistant para suportahan ang sarili niya.
Pagkatapos makita ang silid ni Mo Yurou, nakita ni Tangning ang assistant ni Mo Yurou na nakabantay sa labas ng silid na iyon. Itong lalaking ito ang nagsabi na ginawa niya lahat ng desisyon na iyon sa araw ng palabas.
Isinisi niya lahat ng mga ito sa kanya.
"Nandito ka na." sabi ito habang pasupladong tinitigan niya ito mula taas at pababa; sinasadya nitong gawing mahirap ang mga bagay - bagay para kay Tangning. "Antayin mo 'ko dito, nagpapahinga pa si Yurou."
Itinaas ni Tangning ang handbag sa kanyang dalawang kamay at diritsong tinignan niya ang assistant ni Mo Yurou. "Alam mo naman siguro ang apelyido ko?"
"Nonsense! Sinong hindi nakakaalam na ang apelyido mo ay Tang?!"