Pagkatapos maglabas ng balita ang PR ni Han Yufanm binayaran niya ang ibang mga kilalang social media accounts para tulungan sila sa paglilinis ng kanilang reputasyon. Sa susunod na tatlong araw gumamit siya ng iba't - ibang paraan para malinis nila nag imahe ni Mo Yurou at ang intensyon nilang muli ay itapon kay Tangning ang lahat ng sisi. 'Di naman nagtatagal ang ganitong klaseng tsismis ng 'di nagsisimulang mainip ang publiko. Pag may lumabas na panibagong tsismis, ang maliit na eskandalong ito ay mawawala na lang at matatabunan sa kailaliman ng alala ng lahat at hindi mag tatagal, makakabalik na rin si Mo Yurou sa pagtatrabaho.