"Pero, wala pa sa plano ko na I-balita ang relasyon namin ni Mo Ting sa ngayon," kalmadong paliwanag ni Tangning dito. "Alam kong sa tulong ni Mo Ting, tataas ang career ko ng ilang ulit pero makikilala ako ng mga tao bilang asawa ni Mo Ting at hindi si Tangning na isang modelo. Sa tatlong taong nakaraan, nagawa kong maging isang top model sa Beijing, ngayon, pagkatapos ng tatlong tao, kumpyansa akong magagawa ko ulit ito gamit ang aking kakayahan. Kukunin ko kung anong dapat ay para sa akin," habang naglabas ito ng kumpyansa at nakakaksilaw na aura.
"Long Jie, kung gusto mo akong tulungan, then we are going into this together. If you don't want to, hindi kita pipilitin. Tutulungan kitang i-kansela ang kontrata mo sa Tianyi at tutulungan din kitang maghanap ng trabaho sa isang mgandang company."