Ang Matagumpay na Labanan

Sa isang iglap, ang balita tungkol kay Han Yufan at Mo Yurou ang usap – usapan ng buong bayan; at ang nakaraang pagsisikap nila kasama ang PR ay bumaliktad. Dahil si Han Yufan at si Tangning ay may kasunduan na magpakasal, sa videong pinalabas ay si Mo Yurou ang naging third party na pumagitna sa dalawang ito, kaya agad itong naging isang tagasira ng pamamahay na isinusumpa nila.

Sa mga oras na ito, isa sa mga media ang lumabas at isiniwalat sa lahat na ang tungkol sa pagpapalit ng modelo na insidente ng Crown's Star ay pakana ni Han Yufan at Mo Yurou at napilitan si Tangning na saluhin ang lahat ng sisi.

Nagkagulo ang lahat ng netizens.

Sa araw na 'yon din, may mas malaking balita ang inilabas tungkol sa insidenteng nangyari sa airport.