Magpakasal Tayo Agad

At higit sa lahat…

…gaano siya kakumpyansa sa pagtanggi ng test shot, lalo na kung halos magpalit siya ng posisyon kada tatlong segundo?

Hindi mahalaga kung anongang dapat niyang ikilos mapatamad, kaakit – akit, nagbabanta, o nakatutuwa, hangga't hiniling sa kanya ito ng litratista, agad niyang inaangkop sa tema ang kanyang mga kilos; ang mabilis na reaksyon niya ng nagpamangha sa mga taong nakapalibot sa kanya.

Nakatayo lang si Long Jie sa gilid. Nang makita nitng bumalik na sa dati si Tangning, napakasaya niya na halos sumigaw siya nang malakas. 

Bukod sa muntikan niya nang pag-iyak, kinuha rin niya ang kanyang telepono at kumuha ng mga litrato ni Tangning na may iba't – ibang pose; nilayon niya rin na ipalada niya 'yun kay Mo Ting. Dahil sa relasyon ni Tangning kay Mo Ting, nadama ni Long Jie na labis na mapalad siya nag magkaroon ng isang malakas na tao sa kanyang mga kontaks sa telepono.

Syempre, sa mga oras na 'yun nasa eroplano pa si Mo Ting.