Ang Paghahayag ng Kanyang Pagbabalik

Ang mga haplos na kanyang nararamdaman na tumatakbo sa kanyang katawan ay parang isang nakahuhumaling na gamot na kung saan nakapagbibigay ng pakiramdam sa isang taong gumamit nito na para nawawala siya sa kanyang sairiling katinuan. Itinulak ni Mo Ting si Tangning pahiga sa sopa at sinimulan niyang tanggalin isa – isa ang pagkakabutones ng puti nitong damit; ito ang bagay na matagal na niyang pinapangarap na gawin…

"Ting …" nahihiyang sigaw ni Tangning, "Masakit…"

Sinubukan pigilin ni Mo Ting na pumusok sa hangganan ng kayang tiisin na sakit ng babae, sa halip ay bumalik siya sa labi nito upang halikan. Nagpatuloy ang dalawa sa pagpapahiwatig ng kanilang pag – ibig sa isa't isa sa sala bago pinakawalan ni Mo Ting si Tangning mula sa kanyang pagkakayakap.

"Bukas ay mahalagang araw para sa iyo. Kailangan mong matulog ng maaga."