Ang Pinakamamahal na Munting Asawa

"Tangning, binabalaan kita, kung gusto mo pa ring mamalagi sa industriyang ito, mas mabuting lumabas ka doon muli at humingi ng tawad. O kaya naman, sisiguraduhin kong magsisisi ka na nabuhay ka pa," galit na bulalas kay Tangning ng kinatawan ng kumpanya.

Marahang tumawa si Tangning habang nananatiling panatag ang ekspresyon ng mukha nito – na parang bang may nasasaksihan lang ito na taong nagbibiro sa harap niya, "Lumabas na sa bibig ko ang mga salitang iyon, paano ako hihingi ng paumanhin? Higit sa lahat, kung hihingi ako ng paumanhin, sino naman ang hihingi ng tawad sa mga mamimili?"