Pagkatapos na makabalik sa asyenda, tumakbo papunta sa kanya sina Lin Wei at Long Jie at binati si Tangning habang nasasabik na hinawakan siya ng mga ito sa kanyang braso. Natawa nalang si Tangning. Hindi niya bibiguin ang mga inaasahan ng mga ito; lalo na ang maunawaing lalake na labis siyang tinulungan.
Napansin ni Long Jie na ang mga tingin ni Tangning ay nakatuon lamang sa lalaking nakaupo sa sopa na nagbabasa ng ilang mga dokumento. Ngumiti na lamang si Long Jie habang itinulak niya si Tangning patungo sa lalake, "Hindi na kami mangugulo pa, bilisan mo at samahan mo na si Mo Ting!"
Pagkatapos magsalita, bumalik na sa kani – kanilang mga silid sina Long Jie at Lin Wei. Gayunpaman, hindi pa nagtatagal, tumatakbo pabalik si Long Jie hawak ang kanyang phone papunta kay Tangning, "Tumatawag si Han Yufan, gusto mo bang sagutin?"
Mabilis na sumulyap si Tangning kay Mo Ting bago siya tumango at kinuha ang phone mula sa kamay ni Long Jie.