Pakikipagkasundo Kay Han Rouxue

Lumingon si Han Rouxue at pinagmasdan ang pintuan ng meeting room. Kasabay nito, galit na tinitigan din nila Han Yufan at Mo Yurou ang pinto ng silid. Sino na naman ang taong sumisira ng lahat para sa kanila?

Pakiramdam ni Mo Yurou na sasabog ang kanyang puso sa sobrang galit. Hindi madali na mapatalsik si Tangning ngunit sinong mag – aakala, 'the mantis stalks the cicada, but behind them lurks the oriole*'. Nagulat siya na mayroong ibang tao na gustong siyang hamunin.

Ang atmospera sa loob ng meeting room ay napakatindi. Sa sandaling ito, ang pinto ng meeting room ay biglang nagbukas at pumasok dito isang napakagandang pigura na kumuha ng atensyon ng lahat.

Tangning!

Si Tangning pala ito!

Si Tangning ulit!

Natikom ni Han Rouxue ang kanyang kamao; hindi niya akalain na kayang kumbinsihin ni Tangning si Mina na bumaliktad sa kanilang napagkasunduan. Sa kabilang banda naman, sabay na natigilan sina Mo Yurou at Han Yufan.