CHAPTER 14: BOUQUET OF FLOWERS

ADELA's POV

On the way home, sobrang napakatahimik ng ambience. Walang umiimik sa amin ni sir.

Hindi sya nagsasalita..so bakit ako mag iinitiate ng usapan.

Kalurkey! Matapos ko makita ang anaconda kanina, halos di na ako mapakali. Chos!

Erase! Erase Adela! Naaalala mo naman! Kaloka ka!

Ibinaling ko ang aking atensyon sa daan para malibang at para makalimot.

Baka sabihin nyo maaarte ako..pero sorry first time ko makakita ng fully evolved na male's genital.

Oo, nakakita na ako pero sa mga bata lang.. pero di ako naninilip ha.

Sa squater's area kasi, di uso bihisan ng shorts ang mga bata. Kaya kahit maglakad lakad sa labas, makikita mo nalang na lumalawit lawit. Charot!

Teka bakit nga ba yun ang kinukwento ko. Back to my story!

"Uhmm..Adela?" Narinig kong wika ni sir. Napalingon ako. Di ito nakatingin sa akin. Sa daan lang ito nakatutok. Kahit sulyap ay wala.

"Bakit po sir?" Nahihiya kong wika. Nirerelaks ko ang aking lalamunan parang nanunuyo na naman.

"About kanina..." sabi ni sir. Di pa rin ito sumulyap sa akin. Nanlaki bigla ang aking mga mata nang marinig ko iyon.

'Oh my gosh! Anu tinutukoy ni sir na kanina? Yung anu ba nya?'

Bigla akong kinabahan. Di ko alam ang isasagot. Naghahanap ako ng salitang pwede iresponse. Kalurkey!

"Ah wala po yun sir....maliit na bagay." Sabi ko kay sir. Ngumiti na din ako para maging comfortable sya at isiping balewalain nalang ang nangyari. Awkaward!

Ngunit napalingon si sir. Nakakunot ang noo at waring may inis o galit sa mga mata.

"Maliit?" Tanong nito sakin.

Oh shocks! Inisip ba nito na sinasabi kong maliit ang anu nya?!

Di ako mapakali. Parang nahiya ako bigla sa topic namin.

'Sasabihin ko bang malaki naman talaga? Pero kaloka....para naman akong tanga nun. Kababaeng tao?!' Di ko mapakaling bulong sa sarili.

"Ah sir...I mean po..maliit na bagay po yung nangyari kanina. Kalimutan nalang po natin. Ibubura ko po lahat sa aking isipang lahat ng aking nakita! Promise!" Sabi ko kay sir. Sabay bawi ng tingin at lingon sa kabilang side. Kagatlabi. Di ko alam if anu reaction nya pa. Di na ako tumingin eh. Saka wala ako narinig pang sagot nito.

Sana nga mabura o makalimutan ko ang nagyari kanina lang!

Pasado alas 9 ng umaga nang makarating kami sa aming barangay. Pinilit pa ni sir na ihatid ako hanggang bahay pero sinabi ko di kakasya sa daan ang car nya kahit charot lang.

Alam ko kasing madaming chismosang kapitbahay namin kaya pinili ko na lamang bumaba sa terminal ng pedikab. Actually malapit narin ito sa bahay pero sa sobrang init, sumakay nalang ako sa pedikab.

Pagdating ko, nasa harap ng karinderya si nanay. Agad itong nagtanong kung bakit ngayon lang ako nakauwi at di daw ako makontak sa phone. Sinabi ko nalang na may pahotel accommodation ang party kaya di ako nakauwi agad at nalowbat din ako kaya di nya ako makontak.

After kumain, nagpahinga ako sa kwarto. Nagbasa ng pocketbooks at maya maya ay nakatulog.

*************************************

Monday; 6:30 am

Papungas pungas pa akong bumangon sa kama. Nakalimutan ko palang icharge ang phone, mabuti nalang at naihi ako kaya nasilip ko ang wall clock at nalaman ko kung anong oras na.

Kasalukuyang nagluluto si nanay nang madaanan ko ito. Papunta akong banyo para umihi.

"Nak, mukhang sarap na sarap tulog mo kagabi ah." Tanong ni nanay habang nagpiprito ng kung ano sa kawali. Di ko nakita kung anu niluluto nya eh.

Hinubad ko ang aking short at panty sabay upo sa inidoro bago sumagot kay nanay.

"Napagod lang po nay saka po magdamagan ang party po eh. Nakakahiya naman po umuwi agad lalo na at client po namin ang may paparty. Baka bawiin pa ang account sa amin." Mahaba kong litanya kay nanay. Nailabas ko nadin ang lahat ng naipon sa pantog ko.

Lumabas ako ng banyo at lumapit kay nanay. Niyakap ko sya.

"I love you nay. I miss you!" Sabay kiss ko sa leeg ni nanay. "Aha! May asim pa..pwede pa mag asawa ulit!"

Kiliting kiliti naman si nanay. Tawang tawa sa ginawa ko. Ganito ako kapag naglalambing kay nanay. Alam ko kasing mapapagod na naman ito maghapon sa karinderya namin. Pang good morning lang sa kanya para good vibes sya maghapon. Open din ako sa possibility na mag asawa ito ulit pero sya lang ang may ayaw.

"Ikaw talaga anak. Kahit may asim pa ako..di ko ipagpapalit tatay mo noh! Mahal na mahal ko iyon....mag almusal kana nga riyan anak." Sabay lagay nito ng scrambled egg sa plato. Inilagay nito iyon sa mesa.

"Anu po ulam nay? Pritong itlog lang po ba?" Tanong ko kay nanay. Umupo ako sa mesa para magtimpla ng kape.

"Nandyan anak sa misa..natatakpan yung fevorites mo." Sabi ni nanay. Naghihiwa na ito ng sibuyas. " Yang cheesy na hotdogs."

Natigilan ako sa narinig. May biglang pumasok sa aking isipan pero agad ko itong iwinaksi.

"Nay hindi noh! Bakit ko magiging paborito yan." Napangiwi kong sabi kay nanay. Di ko alam pero parang ayaw kong makita ang hotdogs. Feeling awkward padin ako.

Gosh! Adela. Tama na nga! Lahat nalang ba iuugnay mo sa anu...??

Ah basta! Erase! Erase!

Di ko na ginalaw ang hotdogs. Nagtataka man si nanay, pinili nalang nito na maging busy sa paghihiwa.

Pagkatapos ko mg almusal,kaagad din akong naligo at nagbihis.

Nasa loob na ako ng elevator at paakyat na sa 8th floor. Ginawa ko nalang na abala ang aking isip sa pakikinig ng songs. Nakaheadset ako. Kasalukuyang nakaplay ang favorite kong song.

(Before It Sinks In-Moira Dela Torre)

🎼Suspended in the air

I hear myself breathing

Hanging by a thread

My heart is barely beating

I haven't fallen yet

But I feel it comin'

Tell me would it be too much to ask

If you break it to me gently...🎼🎼

Di ko alam pero parang may connection ang kanta sa situation ko. Narerelaks ako sa malamig na boses ng singer.

Di ko namalayang nagbukas na pala ang elevator. May mga nakasabay ako from other departments kaya pinauna ko nalang sila makalabas.

Sa di kalayuan ay kumakaway na sa akin si Jasmine, ang nasa front desk. Nakangiti ito sa akin.

Actually, close narin kami nito kasi mukhang kengkay din.

Lumapit ako sa kanya.

"Hi sis. Goodmorning!" Nakangiti kong bati. Nagswipe nadin ako sa sensor para sa time in ko. 7:30 palang pala ng umaga. Meron pa akong 30 minutes.

"Ikaw sis ha. May di ka sinasabi sa akin." Sabi nito sabay may pinong kurot sa aking braso. Di naman ito masakit.

Nagtaka ako sa sinabi nya.

"Ha? Anung di sinasabi sis?"

Maya maya pa ay may inilabas itong bouquet ng bulaklak. Magaganda ang mga ito.

"Ito sis! Ke aga aga may nagpadala ng flowers sayo! Ganda mo sis!" Saad nito na may pakilig kilig pang reaction. "Sino yan ha?"

"Flowers? Hala! Kanino galing yan?" May pagtataka ko ding tanong sa kanya.

Iniabot ko ang bulaklak. May pagtatakang tiningnan ito at hinanap kung may card. Ang alam ko kasi..wala pang nagsasabing manliligaw sa akin kaya di ko alam if sino nagpadala.

Nakita ko ang card at binasa iyon.

' Hi Adela,

Have a happy monday.

- Allen'

OMG! Si Sir Allen? Anak ni Mrs. Abueva? Bigla kong naalala ang ginawa ko sa kanya sa party. Biniro biro at kinurot kurot ko pa ang pisngi.

Nakakahiya!

Pero bakit nya ako pinadalhan ng flowers? Nalilito ako. Di ko alam if anu ang iisipin ko.

Nagpaalam na ako kay Jasmine para tumungo sa desk ko, bitbit ko ang bulaklak. Iilan pa lamang naroroon. Nasa pantry siguro ang iba at nagkakape. Paupo na ako sa aking cubicle nang matanaw ko sina Isabel at Trina. May dala itong mug. Malamang kape ang laman nun.

Itatago ko sana ang flowers pero huli na. Nakita na nito iyon kaya nagmamadaling lumapit sa akin ang dalawa.

"Aha aha! Anu yan?" Nakangiting wika ni Trina. Nakamaywang pa ito at nginuso nguso ang hawak hawak kong bouquet.

"Sinetch itey na may pabulaklak girl?" Dagdag ni Isabel bago humigop ng kape.

Inilapag ko ang bulaklak sa table bago sila sinagot. Di ko alam if aamin ba ako. Baka mangulit lalo ang mga ito.

"Wala. Kung sino sino lang na nagpadala." Kunwari wala ako pakealam sa bulaklak pero di ako natingin sa kanila.

Pasimple ko sanang itatago ang card nang makita ito ni Trina. Agad itong kinuha sa kamay ko at binasa ng pagkalakas lakas.

" Hi Adela! Have a happy monday! ...from Allen!"

Kilig na kilig sa pagtili ang dalawa. Hahabulin ko sana sila ng kurot para wag mag ingay pero natigilan ako.

Si Sir Luke!

Nakatayo ito di kalayuan sa amin.

Hala! Narinig kaya nya ang pinag uusapan namin?

Seryoso ang itsura nito. Tila naniningkit ang mga mata nito na pawang galit.

Patay!

Kagat labi ko syang binati.

"Goodmorning sir!" Sabi ko sa kanya.

"Good morning Sir Luke." Tila nabibigla ding sabay na pagbati nina Trina at Isabel.

Tumingin lamang sa amin si sir at pumasok na ito sa office nito.

Hmmp! Di man lang nagreply! Suplado! Anu kaya nakain nun at nag susuplado?

Tumalikod ako para tumungo sa aking table. Inirapan ko ang dalawa.

" Kasalanan nyo ito dalwa eh! Nahuli tayo tuloy na naghaharutan. Bumalik na nga kayo sa cubicles nyo. Mga tsismosang toh!" Sabi ko sa dalawa. Umupo na ako sa chair at inayos ang mga nasa ibabaw ng table.

Tumawa tawa nalang sa akin ang dalawa at may senyas na mag usap kami later. May utang daw ako na explanations.

'Mga echusera talaga! Ayaw palampasin!'

Pumasok ako sa office ni sir para itanong kung may ipapagawa ito.

Nag ayos muna ako ng aking sarili. Sinilip ko ang mukha sa maliit na salaming baon baon ko.

Syempre para fresh kapag kinausap ko si sir.

Kasalukuyang may hawak hawak na portfolio si sir nang pumasok ako. Tila nagbabasa o nirereview ang laman nito.

"Sir may ipapagawa po ba kayo?" Tanong ko kay sir.

"Did I call you?" Sagot nito na di man lang sumulyap sa akin.

Mukhang pangit ang mood ni sir ngayon! Nireregla ata. Charot.

"Ay sorry po." Sagot ko at nakangiwing tumalikod para lumabas.

Aayusin ko nalang ang schedule nya. Mukhang badmood eh. Baka maputukan ako nito.

Lalabas na sana ako ng pinto nang marinig ko na nagsalita ito.

"Adela, inform the team leads that we will have a short meeting. And I need ten copies of this file." Walang ngiti nitong sabi sa akin. Saglit lang din itong tumingin sakin at parang matalim pa.

Shocks! May regla o naglilihi? Ako pa ata ang trip paglihian. Charot.

Lumapit ako sa kanya para kunin ang portfolio at magprint ng copies nito.

Actually ngumiti ako nung iniabot ko ito pero wala talaga syang pakialam.

Suplado talaga!

'Pasalamat ka pogi ka padin kahit nakasimangot!' Bulong ko sa sarili.

Lalabas na ulit sana ako ng pinto ng may huling sinabi si sir.

"This is an office not a place para magligawan."

Nabigla ako sa aking narinig. Patay na! Mukhang narinig nya ang usapan namin kanina. At nalaman na may pinadalang bulaklak sa akin si Sir Allen Abueva!

Napakagat labi akong lumabas.

'Di ko naman kasalanan kung may nagpadala ng flowers sa akin..diba?'