CHAPTER 15: DANCING QUEEN

ADELA's POV

Kasalukuyang nasa meeting si sir with the department team leads kaya naisipan kong pumasok sa office nya.

Actually dapat nasa meeting ako eh para magtake notes ng mga pinag usapan, pero dahil nagsusuplado ang lolo nyo, sinabihan nalang ako nito na magsort nang mga files na nagkagulo sa ibabaw ng tables nya.

"Adela habang nasa meeting ako, sort all those files in my tables and put it back inside my drawers." Walang kangingiti nitong sabi sakin kanina. Pero atleast sumulyap sya.

Ako naman, may pavirging ngiti na sumagot.

"Ah eh..okay po sir. Ako po bahala." Mala-Rufa Mae tone kong sagot kay sir. Ngiting ngiti na may pacute sabay sabit ng bangs sa tenga. Charot! Syempre sa utak ko lang sinabi. Di naman ako ganun kaharot o kalandi sa personal. Ahahaha!

Pagpasok ko, nadatnan kong makalat sa office nya. Mukhang madami dami syang binasa o talagang ginulo lang nya para magpapansin sakin? Chos!

Nakakalat kahit sa sahig ang maraming papel. Kaloka! Mukhang ang hirap magsort nito. Di ko alam kung saan ilalagay! Napangiwi ako.

Goodluck sakin!

Isa isa ko munang dinampot ang mga kumalat na papel sa sahig. Mukhang mga previous proposals eto sa mga naging clients namin before. Siguro pinag aaralan ni sir para makagets ng new concept at di maulit ang nagawa na before.

Kahit malamig ang aircon, feeling ko pagpapawisan ako. Kaya hinubad ko muna ang aking blazer. Actually, naka straight neck bodycon dress lang ako inside. Medyo labas ang aking cleavage at nakabuyangyang ang aking mga shoulders na makikinis.Chos!

At dahil wala si sir, sinarado ko muna ang blinds ng window panel para makapagfocus sa ginagawa ko at walang makakita sa medyo pasexy outfit ko.

Inopen ko ang phone at nagplay ng songs. Nakashuffle ang mga kanta kaya kung anu ang iplay ni music player, go lang ako.Sinuot ko nadin ang headset para walang nakakarinig. Ako lang!

Nagsimula sa medyo paemote na song (Tagpuan ni Moira). May paemote emote din ako habang nag aayos ng mga papel. Kunwari iiyak tapos maya maya gigiling! Kekemvot kembot na tila sumasayaw ng interpretative dance. Ahahaha!

Di ako magaling sumayaw pero actually marunong naman ako.

Inilagay ko sa table ang mga napulot kong papel tapos biglang gigiling pababa na akala mo nasa ktv bar ako.

Sensya na, minsan may mood ako na ganito eh..baliw baliwan ang peg kumbaga.

Actually minsan nung bata parang pinangarap ko din sumayaw ng nakabikini habang nasa pole...pole dance ba yun? Yung sumasabit sabit pa sa poste tapos bubuka bukaka. Pero sa panaginip ko lang pinangarap noh? Di naman ako pokpok para gawin yun! Matino kaya akong babae! Charot!

Maya maya nagpalit na naman ang song. Ang sikat na song ng isang KPOP girl group. Sinayaw ko din ito ng naaayon sa napanood kong viral steps.

Gosh! Ansaya ng feeling! Yung feeling mo malaya ka gawin ang gusto mo kahit nasa workplace ka.

Habang umiindak ako sa kanta, sinosort ko na rin ang mga files at inalalagay sa folders nito.

Enjoy na enjoy ako sa ginagawa ko. Di ko nga namalayan kong gaano na ako katagal sa ginagawa ko. Tutal wala naman si sir eh.

Kembot dito kembot doon. Daig ko pa ata ang mga sexbomb dancers o g-force! Charot!

So eto na. Nagpalit na namang ng song. Love song na naman. Isa sa mga sikat ngayon na paborito ko din. Hinanda ko na ang sarili ko para sabayan ang kanta at mag emot emote din.

(Akin Ka Na Lang

Morissette Amon)

🎼Bakit hindi mo maramdaman

Ikaw sa akin ay mahalaga

Ako sayo'y kaibigan lamang

Pano nga ba't di ko matanggap

At ako pa ba'y iibigin pa

Ang dinadasal makikiusap na lang...🎼

Alam kong nakasara ang pinto. At alam ko din na soundproof ang office ni sir kaya wala ako pakialam kung gaano kalakas ang boses ko sa pagsabay sa kanta.

🎼Akin ka na lang

Akin ka na lang

Ang dinadasal sa araw-araw

Akin ka na lang

Akin ka na lang

At maghihintay hanggang akin ka na

"...Sir Luke!" Dugtong ko sa kanta. Nakakatuwa. Habang kumakanta ako ay iniisip ko si sir. Ang gwapo gwapo. Iniimagine ko na kunwari kinakantahan ko sya. Nakatingin sya sakin. Inlove na inlove daw. Nakaupo daw ito sa chair nya, titig na titig sa akin.

Birit pa rin ako ng birit. May pagiling giling din. Maya maya nakita ko ulit si sir Luke na nasa pinto. Nakatayo. Nakatitig sa akin. Ako naman lalo ko pang ginalingan sa pag-emote emote habang may pakumpas kumpas ng kamay, tinuturo sya tapos ititikom ko ang mga daliri at itatapat sa aking dibdib. Kunwari inaakit ko sya..

🎼At sa panaginip lamang

Nahahagka't nayayakap ka

At ako pa ba'y iibigin pa

Ang dinadasal makikiusap na lang

Akin ka na lang

Akin ka na lang

Ang dinadasal sa araw-araw

Akin ka na lang

Akin ka…🎼

"Sir Luke....." pagdugtong ko ulit sa kanta habang nakatingin sa iniimagine kong imahe ni sir na nakatayo sa pinto. Pero sa di ko mawaring dahilan, napansin kong parang totoo Sir Luke na ang nasa pinto! Pinikit ko ang aking mga mata at iminulat para malaman kung sya ba talaga o imagination lang.

'Gosh! Di sya naglaho! Is it real?'

Pumikit ulit ako. At ngayon at kinusot ko na nang maigi ang aking mga mata. Pagmulat ko, andun padin sya nakatayo at titig na titig sa akin!

Bigla akong kinabahan. Di ko alam ang gagawin! Tinanggal ko sa aking mga tenga ang headset.

"Si..sssirrr Luke?" Medyo naiilang kong tanong. "Kanina pa po ba kayo jan? "

Feeling ko magcocollapse ako anytime! Panu na if nakita nya pinaggagawa ko kanina pa?

Oh my gosh! Narinig nya kaya pagkanta ko? Oh ang pagsayaw ko? Kakaloka ka Adela! Nakakahiya!

"Hmmm.. not really Adela." Sabi nito sa akin. Pero pansin kong nagpipigil ito sa pagtawa. Yung ngiting tila mapapabunghalit na ng tawa pero pinipigilan lang.

Napakagat labi ako. Shocks! Totoo kaya ang sinasabi ni sir? Hala! Patay kana Adela! Ang harot harot mo kase.

Di ako mapakali.

Pumasok nang tuluyan si sir. At tinutunton na nito ang kinaroroonan ko. Nakatingin lang ako sa kanya.

Nakangiti ito. Tila sobrang saya nito ngayon? Kanina lang ay parang nandidilim ang mukha nito tapos parang galit pa.

'Shocks! Mukhang napanood nya din ang sayaw ko?!! Gosh! Gosh! Kaya siguro sya natatawa!

"Uhmm.. Adela, natapos mo ba ang pinagawa ko?" Tanong nito sa akin. Isang dipa nalang layo nito sa akin. Ako naman ay parang estatwang di makagalaw. Nakatingin lang sa kanya.

Maya maya napatingin ito sa aking katawan.

Ay! Oo nga pala. Hinubad ko ang blazer! Nakakahiya, medyo kita ang hati ng aking dibdib!

Kaagad akong luminga linga. Hinanap ng aking mga mata ang aking blazer. Ang alam ko tinapon ko ito kanina pagkatapos iikot ikot sa ere nang sumasayaw sayaw ako.

Nakita ko ito ibabaw ng sofa. Kaagad akong pumunta sa bahaging iyon ng office para kunin ito at isuot.

'Nakakaloka Adela! Ikaw ang napapahiya sa kaharutan mo! Tsk!' paninisi kong bulong sa aking sarili.

Pagkasuot ko ng blazer, sumulyap ako kay sir. Nakaupo na ito sa chair nito at nakatingin parin sa akin.

Sa mga mata nitong kumikislap, alam kong tawang tawa ito sa akin.

Feeling ko, ang kapal kapal na ng mukha ko at kasing pula na ng mansanas.

Hiyang hiya ako! My gosh!

Ibinulsa ko ang headset at dahan dahang lumapit kay sir. May folder pala akong inilapag sa sofa kaya iniabot ko ito kay sir.

Medyo nahihiya akong nagtanong...

"Sir, may ipapagawa pa po ba kayo?" Tanong ko. Nakatungo na ako. Ayaw kong tumingin sa kanya. Tila matutunaw ako sa kahihiyan.

"None Adela. Actually breaktime na. Take your break." Sabi nito sa akin. Inilagay nito sa drawer ang folder na inabot ko.

"Okay po sir. Lalabas napo ako para magbreak." Pagpapaalam ko sa kanya na may tipid na ngiti.

Dahan dahan akong lumabas ng pinto. Nang isasara ko na ito...bigla ko narinig ang sinasabi nya....

"Your voice is out of tune though ...your dancing skills is great."

Pabulong ata iyon pero I am sure galing kay sir iyon.

Tila bumaliktad ang aking mundo. Gusto ko malusaw na lang bigla na parang isang kandila sa narinig.

Nakakahiya!