CHAPTER 19: MY RIVALS

LUKE's POV

Napakuyom ako ng aking kamao. Naihampas ko ito sa bar table. Napatingin sa akin ang bartender.

Di ko alam ang aking nararamdaman. Nalilito ako. Nagagalit? Naiinis? Nagseselos? Grrr!

Damn that girl! Bakit nalang ba lahat ng lalaki ay giliw na giliw nyang kinakausap. Naramdaman kong nagtatagis ang aking mga bagang.

This furious feeling inside me ay parang napakabigat.

I gulped down a glass of liquor.

Kasalukuyan akong nasa isang bar one kilometer away from the office building.

Dapat nagcecelebrate ako ngayon eh dahil successful ang presentation at soonest...contract signing na. Pero biglang nagbago ang aking mood.

Napapikit. Di ko alam ang gagawin. I like Adela. Gusto ko syang bakuran para wala nang manligaw dito o magpapansin pero wala akong magawa.

Sino ba ako? Di nya ako bf. Di nya ako manliligaw. Eh, I can't even show her na I really like her.

Damn Luke! You can't even decide if you want to pursue her.

Humingi pa ako ulit ng isang basong alak sa bartender. At agad ding nilagok ito.

I recalled how happy I am earlier this day.....

(FLASHBACK)

Maaga muli akong pumasok sa work since mahalagang araw ito. Ngayon ang visual presentation ng proposal para sa Abueva Account.

Usually sa labas ng building ako nagpapark ng car pero dahil naulan, pinili ko nalang na sa parking area sa basement ako magpark.

May kasabay akong tatlong tao sa elevator. Isang lalaki at dalawang babae. Mukhang magkawork ang mga ito.

Pinagitnaan ko sila. Nasa kanan ko ang dalawang babae at sa kaliwa ang lalaki. Well, if you don't know, kahit na anak ako ng nagmamay ari ng building na ito...hindi naman ako huminihingi ng special treatment. Hindi ako maarte. Gusto ko lang maging low profile. Mas okay sa akin na hindi ako kilala ng mga taong nakakasalamuha ko.

Bumukas muli ang pinto ng elevator. Sa tumpok ng taong nakaabang sa elevator, agad kong nakita si Adela. Nagpupunas ito ng mga braso. Basang basa siguro sya ng ulan.

Hawak hawak din nito ang payong nya na nasa isang supot ng plastic. At nang makita nitong bumukas ang elevator, kaagad itong pumasok na sinundan din ng mga nasa likuran nya.

Waring di nya napansin na nasa elevator din ako.

Tila nagkatulakan ang mga pumasok kaya naramdaman kong lumapat o dumikit sa akin si Adela. Mainit ang katawan nito. Kahit makapal ang suot ko, tila tumatagos sa aking katawan ang init ng mga palad nya.

Napangiti ako. Naramdaman ko ang mga palad nya na may pasimpleng pagdama dama sa katawan ko.

Hmm? Alam ba nya na ako ang kaharap nya? Or baka iniisip nya na ibang lalaki?

I chuckled. Gusto ko sanang kausapin si Adela para malaman nito na ako ang tsinatsansingan nya.

Dahil sa laki ng dalawang babaeng na likuran ni Adela, muli pang nagkatulakan sa bawat pagpihit ng mga ito.

Lalong napadikit sa akin si Adela. Awkward man pero di ako nagpahalata. Hinayaan ko nalang sya sa kanyang ginagawa since no choice ito. Sa akin lang sya kumukuha ng lakas dahil naiipit ito ng dalawang babae.

Muli akong napalunok ng laway nang medyo idinikit nito ang ulo sa aking katawan.

'Anu ginagawa mo Adela? Isa na naman ba ito sa mga pang aakit mo sa mga lalaki?'

Napatiim-bagang ako sa naisip ko. Ninanais ko na ako ang pinagnanasaan ni Adela. Ako lang!

Napasinghot ako. Amoy na amoy ko ang bango ng ulo ni Adela. Amoy ng bagong shampoo.

Tila narelaks ako. This scent of her. Ito yung amoy na di ko pagsasawaang amuyin kesa sa mga mamahaling pabango.

Kung maaari lang yakapin ko sya ay ginawa ko na. Ngunit hindi pwede...lalo na at maraming tao. I don't want to make a scene.

Maya maya pa ay may lumabas na babae, dahil naggiveway ang mga ibang sakay, umisod din si Adela. Ngunit sa paggalaw nito, muntik na itong matumba kung kaya't para akong si Flash na agad syang sinalo.

Naipalibot ko ang isang braso sa bewang nya habang kapit ko naman ang isang braso nito. Napayakap ako ng mahigpit.

Ugh! Her warm body is telling me to hug her tighter. Feeling ko, nabubusog ang aking puso sa position namin.

Tumingala si Adela. Nagtama ang aming paningin. Tama nga ako! Hindi nya alam na ako ang kaharap nya at kanina pa tsinatsansingan.

Napangiti alo nang makita ko saang mabigla.

'You are really funny Adela. You don't know how to hide your emotions. You always turn red everytime you blush.' i said to myself.

She is cute.

Maaaring nailang sa akin si Adela kaya agad itong tumayo ng maayos at lumayo sa akin.

Paglabas ng elevator...pinauna ko syang maglakad. I just want to stare at her while walking.

She is adorable kahit nakatalikod lang. her charm is really captivating. Maybe that what they call as sex appeal. She has it...oozing very well.

Di ko maiwasang humanga sa kanya. Pero tila naiilang naman ito. Napapansin kong bigla itong hihinto o maya maya'y maglalakad ng mabilis.

In a sudden, bigla itong humarap sa akin.

I don't know pero parang slow motion ang lahat para sa akin.

Buhok nyang nagsway dahil sa pag ikot nito. Her eyes na sparkling and her smile na nakakatunaw.

Whoa! Talagang nabihag na ata ako ng babaeng ito. Di maitatanggi..

I composed myself immediately. Ayokong mahalata nya ako sa aking weird emotions and actions.

Kunwaring napakunot ako ng ulo to ask her why she turned her back.

"Ay sir, nakalimutan ko mag time in." Sabi nito sabay mabilis na naglakad.

Ngumiti nalang ako at agad din tinungo ang aking office. Well, I don't really need to do that since I am the boss.

Naging busy ako sa pagcheck ng visuals ng presentation para sa proposal ng marketing campaign for Abueva's hotel. I want it to be comprehensive para walang masabi si Allen. Di ko alam kung pano mapaimpress ang anak ni Mrs. Abueva kaya mas mabuting icheck ko if maayos ang visuals.

I checked bawat slides kaya di ko namalayan ang oras. Actually our commitment is 9 am pero sa pagsilip ko ng aking relo, malapit na ang time wala pa rin sila.

Napatingin ako sa labas ng office nakita kong may kausap sa phone si Adela. Bigla akong nagkainteres kung sino ang kausap nito.

Since connected ang aming line, may chance akong malaman kung sino kausap nito.

Dahan dahan kong itinaas ang phone para di ako makagawa ng ingay. Naki ig ako. And nadismaya ako. Si Allen pala ang nasa kabilang line.

Allen: " Nice. Actually, we are on the way already. I think we'll be there before 10. Please tell Luke, I'm sorry for being late for our 9 am appointment. Heavy traffic due to the weather. You know."

Adela: "Oh. I understand sir. No worries. I will tell him. Ummm.. would you like to talk with him, sir?"

Allen: "Not really. I just want also to check if you are there."

Tila nagpanting ang aking tenga sa narinig. Napatiim bagang ako. That flirt guy is trying to snatch my girl.

Binaba ko ang phone. Ayaw ko na marinig ang sunod nilang usapan.

Sumulyap ako kay Adela at binawi din agad.

Tsk! Mahirap pala ang ganitong situation. Hindi mo kayang sabihin ang feeling sa isang tao kaya hindi mo rin sya kayang bawalan na lumandi sa iba.

Napabuntung hininga ako.

Maya maya ay pumasok si Adela. Sinabi nito ang napag usapan nila sa phone ni Allen. Di ako tumingin sa kanya.

I don't know. Medyo nagpupuyos pa ang aking damdamin.

Di ko sya sinagot. Kunwari busy ako sa aking ginagawa.

"Gusto nyo po sir, salubungin ko po sila para iassist?" Wika nito.

Tila lalo akong nainis sa kanyang sinabi.

"No Adela. It is my job to assist him." Sagot ko sa kanya.

Akma na itong lalabas nang maalala ko ang sinabi no Allen. Gusto nitong makita si Adela.

Pwes! Di ko sya papahintulutan.

Bago pa makalabas si Adela, I handed her the monthly report ng firm para ipasa sa Mendez headquarter. Sinabi kong dalhin nya ito after 9:30 am para masigurado ko na wala sya pagdating ni Allen.

Actually, I already knew na wala si Eve, ang senior accountant ng company. Paraan ko lamang ito para maiwasang magkita ang dalawa.

9:30 am.

Nakita kong umalis si Adela para tumungo sa 10th floor ng building. Napangiti ako. Mabuti na lang wala pa ang isa.

Tagumpay! Ang laki ng aking ngiti. Mabuti nalang naisip ko ito.

Ilan pang minuto ang nakalipas nang dumating na ang client.

I admit, nakakaramdam ako ng insecurities nang muli kong makita si Allen. Not with his looks but with age.

Feeling ko mas pipiliin ito ni Adela since halos kaage lang nito ito.

Sinalubong ko sya with my fake smile.

I dunno pero mabigat loob ko sa kanya.

Maybe because he is flirting with Adela? Not sure!

Sa paggabay ko sa kanya patungo sa board room kung saan gaggawin ang presentation...napansin ko na lumilinga linga ito.

'Hmm. Looking for Adela? She's not here. And you wont be able to see her.' Napangiti ako sa aking naisip.

Nasa kalagitnaan na kami ng presentation nang may maaninag ako sa labas ng bintana.

Si Adela, sumisilip!so you really want to see Allen ha?

This girl. Pano ko ba sya mapapatino?

Napailing ako.

Maaring nakita nya akong nakatingin sa kanya kaya nagtago ulit ito.

Kinuha ko ang remote ng automatic blinds at isinara ito.

Napangiti ako.

Naging maganda ang takbo ng presentation. Nagustuhan ng kumag ang aming proposals at inalok kami na magsign agad ng contract asap.

So be it! Masayang masaya ako na finally, naclose ko ang deal.

Sa sobrang saya ko, nakalimutan ko saglit ang about kay Adela at Allen.

Paglabas ng board room, nagtanong si Allen.

" By the way Mr. Mendez, where is Adela? She is your secretary right?" Tanong nito sa akon at palinga linga.

Natigilan ako. Di ko alam ang isasagot. Napatingin ako sa desk ni Adela pero wala sya doon.

Agad akong nakaidip ng alibi.

"Oh, Adela. Meron lang akong inutos." Sagot ko. Deep inside tuwang tuwa ako na wala si Adela.

"Oh I see." Sagot ni Allen. Nabanaag ko na tila nadismaya ito.

Sinamahan ko sya with his staff hanggang sa ground floor. I just want to make sure na nakaalis ito bago ako bumalik sa office.

I dunno pero tila tuwang tuwa naman ako.

Maybe dahil sa nagustuhan nito ang proposal or dahil nagtagumpay ako na di sila magtagpo.

I think both!

Pagbalik ko ng office ay wala parin sa desk nito si Adela. I checked my wristwatch. Lunch time na pala, siguro kumakain na ito.

****************************

Naging abala ako sa pagreview ng contract with Abueva hotels. May paminsan minsan akong sulyap kay Adela pero di ako nagpapahuli.

Di ko alam kung hanggang kelan ako magtitiis na tingnan lang sya sa malayo.

Nalungkot ako. I have to fix something before pursuing her. At sana kapag okay na ang lahat , pwede pa sya...

4:30 pm.

Nauna akong nagpaalam kay Adela na umuwi. Well, may binabalak kasi akong gawin.

I want to offer her a ride pauwi ng bahay since malakas ang ulan sa labas.

Dapat mauna akong makalabas para bago makalabas ito ng building ay nasa harap na ako at naghihintay.

But...

Nakita ko nang lumabas si Adela ng building at kasalukuyan na akong nasa loob ng car. Pinaandar ko ang sasakyan para tumigil sa harap nya nang makita ko syang mabilis na tumawid sa kabilang kalsada. Inikot ko ang sasakyan para masundan sya at makapg uturn para makatawid sa kabilang lane.

Ngunit sa di kalayuan. Napapreno ako.

Few meters away from her, kung saan nakatayo sya sa may waiting shed ay nakita ko itong may kausap na lalaki.

Yeah that guy in a marine engineering uniform. Sya ang nakita ko one time na nakasabay sa paglalakad ni Adela.

Napakuyom ako ng aking kamao. Tila nagpupuyos na namin sa inis ang aking dibdib.

Nakita kong tila super enjoy sa harutann ang dalawa.

Damn Adela! Bakit ba sweet ka sa lahat ng lalaki?

Sh*t! Tila masakit sa mata ang makita silang nagtatawanan.

Pinaandar ko ng mabilis ang aking sasakyan. I made sure na madadaanan ko ang medyo may kalalimang baha sa harap ng dalawa.

And I succeeded. Tumilamsiksa dalawa ang tubig baha. Napangiti ako nang makitang napuruhan ang lalaking kausap nito.

'That's what you get when you flirt with my girl!' I told to myself with a smile of accomplished retaliation.

And here I am, nasa isang bar, mag isang umiinom ng alak.

This is my way para mawala ang selos.

Yeah selos! Nahuhulog na talaga ako kay Adela pero I can't pursue her at this moment. I have to fix my issues with Chelsey.

Lalo na at nagbabalik ito sa aking buhay.

Nagvibrate ang aking phone. May nareceive along text message.

Tinungga ko muna ang isang basong alak bago ito binuksan.

'Hi babe. I really miss you! Next next week Is my flight going there. I hope we can fix everything. I still love you babe.'

Text message ni Chelsey.

Tila kinurot ang aking puso.

Di ko alam ang dapat maramdaman sa nabasa.

Matutuwa ba ako o magagalit.

After nya ako iwan at ipagpalit sa pangarap nito, ngayon at biglang babalik na parang wala lang?

F*uck!

I know, di ko man aminin pero apektado parin ako sa nangyari sa amin. Wala kaming formal closure.

For the several years na magkalayo kami....she keeps on texting and calling me pero hindi ko ito sinasagot.

She is my first love. Hindi na mababago iyon.

And they said .....it never dies.