CHAPTER 20: LUNCH DATE

ADELA's POV

Di naman mahirap ang aking work eh. Actually naeenjoy ko ito. Naeexcite ako pumasok kasi parang nasa sistema ko na ang makita lagi ang kagwapohan ni Sir Luke.

Ang di ko lang maintindihan ay ang mga mood swings nya. Minsan ngingiti sya sa akin, minsan naman biglang magagalit. Minsan sweet, minsan suplado.

Juskolord! Kung babae lang sya, maiintindihan ko na baka may menstruation lang sya.

Ilang araw ang lumipas na pabago bago sya ng mood. Ang hirap spellingin.

Minsan nga sinasimangutan ko na kapag nagsusuplado, pano ba naman minsan papahirapan ako gawin ang isang bagay na hindi naman kelangan gawin.

Tulad nung minsan, kung anu anong mga reports ang pinapaakyat nya sa akin sa 10th floor yun naman pala soft copy ang need. Pwede naman i-email.

Asar ako. Mabuti nalang talaga kapag nakikita ko sya, napapawi kahit papano ang inis ko.

Minsan din, papatawag sya ng meeting. So ako naman, organize ng todo. Email sa lahat ng staff tapos mag aayos ng board room, mamaya ikacancel nya. Tapos sakin maiinis ang ibang staff sa pag istorbo ko.

Gwapo to si sir pero may pagka demonyo. Pinapahirapan ako, wala naman akong kasalanan sa kanya.

Hmmmp!

Sa true lang, after nung signing of contract with Abueva ay naging bugnutin ito sa akin. Di ako pinapansin o tingnan man lang. kapag may inuutos ito sa akin, tatawag nalang sa phone para sabihin. Sa labas lang naman ako ng office eh, anu ba yung papasukin ako para kausapin sa personal.

So now, here's another day. Sana naman good mood sya.

Nagretouch ako ng aking make up. Actually, nung last pay day...nagpasama ako kina Trina at Isabel na pumunta sa isang beauty shop. Nagpatulong ako bumili ng mga make up since wala ako masyadong ka alam alam sa mga ito lalo na sa mga brand.

Tinuruan din nila ako kung panu iapply ang mga ito.

Kaya ngayon, unti unti...natututunan ko naring mag lagay ng make up bukod sa blush on at liptint.

Marunong na din ako magkilay at magmaskara.

Sumilip ako sa maliit na salamin.

Ayan! Gandah ko na!

Chineck ko ang orasan.. 8:30 na ng umaga pero wala parin si sir. Nakakapagtaka. Ang alam ko di ito nagpapalate dahil ayaw talaga nito ng late. Sabi nga, kapag nakikita sa boss, ginagaya ng mga staffs.

Pero boss sya, hawak nya ang oras nya. Pwede nga sya umabsent anytime na gusto nya eh.

Pumasok ako ng office nya. Maglilinis muna ako at magsort ng kanyang table.

Binuksan ko ang blinds kaya sumilip si araw. Mas naging maliwanag ang office.

Pinunasan ko din ang table nya at ang mga estante. Punas punas ng mga display.Kinuha ko ang isang picture frame na may picture ni Sir.

Si Sir Luke ito hawak hawak ang isang trophy bilang excellence award sa advertising world.

Nakangiti sya.

Napangiti ako.

"Hays... yung ngiting yan, bakit ba napakalimit kitang masilayan. Ang pogi pogi mo pa naman lalo kapag nakangiti ka." Niyapos ko ang frame.

Kahit sa picture lang, mayakap kita...okay na ako.

"Bakit ba kasi parang galit ka lagi sa akin? Lahat naman ng gusto mo binibigay at sinusunod ko. Pati nga puso ko eh, kapag hiningi mo ibibigay ko ng buong buo."

Tiningnan ko ulit ang picture ni sir. Nakakaakit ang mata nya dito. Kumikislap! Yung lips ang pula pula!

Di ko napigilan ang sarili. Unti unti kong nilapit sa aking mukha ang picture frame.

Nakapout ang lips ko para ikiss ang picture.

'Kahit dito lang sir...matikman ko ulit ang mga lips mo.' Bulong ng aking isipan saka ako pumikit. Dahan dahan kong nilapit ang frame sa mukha.

"Ehem!"

May narinig akong biglang tumikhim. Napamulat ako ng mata at napalingon sa pinanggagalingan nun.

Gosh! Si sir! Nakatingin at nakanoot ang noo.

Bigla akong namula. Tila nanigas ang aking katawan. Di ako makagalaw.

Gosh! Huli na naman ako!

"Anung ginagawa mo sa picture ko?" Tanong ni sir.

Nahimasmasan ako.

"Ay sir..ehhh..hinihipan ko lang po kasi maalikabok." Pangiwi kong sabi sabay kunwari hinipan at pinunasan ang frame.

Nakita kong ngumiti si sir.

Hala! Ngumiti sya? Good mood?

Binalik ko sa dating pwesto ang frame.

Papunta na sa table si sir para umupo kaya ako naman ay inayos ang mga display na pigurin na pinunasan ko kanina.

"Bakit kasi picture pa. Pwede naman sa personal." Rinig kong sabi ni sir.

Natigilan ako sa aking narinig.

"Po?" Tanong ko kay sir. Di ko nagets ang sinabi ni sir. Ngumiti ako.

"Wala naman. Forget it. How's your morning Adela." Tanong ni sir. Tapos tumingin ito sa akin na may isang malaking ngiti.

Omg! Nananaginip ba ako? Si Sir nginitian ako?

Nabigla ako. Anyare kay sir? Mukhang masaya sya!

For the first time, kinumusta nya ako at nginitian pa.

Kinilig ako. Feeling ko talaga namumula nanaman ako.

Ngumiti ako ng super laki dahil sa saya ko.

"Okay naman po sir! Kayo po?"

"Nice to hear that. Im good." Sagot nya. Binuksan nito ang laptop.

"Sir labas napo ako ha. Tawagin nyo lang po ako if need nyo po ako." Pagpaalam ko at lumabas agad.

Actually parang nanghina ang tuhod ko. Need ko umupo. Kilig na kilig ako eh. Yung ngiti ni sir ay parang nakakapanghina.

Ilang oras ang lumipas, pinapasok ako ni sir. May iuutos ata.

"Sir?" Tanong ko. Actually nagugutom na ako. ILang minutes nalang ay breaktime na. Plano kong sa fastfood sa baba nalang kumain. Yayain ko nalang sina Isabel at Trina.

"Yeah, uhm. Pakitawagan yung resto sa baba. Umorder ka ng lunchmeal for two." Sabi ni sir. Nakatingin ito sa akin.

Sir! Wag mo akong titigan!

Di ako mapakali. Yung titig nya ay sapat na para manlambot ako.

Adela! Compose yourself! Compose yourself!

Ngumiti ako.

"Okay po sir." Sagot ko sa kanya.

Lumabas na ako ulit ng office nya at tinungo ang desk para tawagan ang isang sikat na restaurant sa groundfloor ng building. Ang alam ko ang mamahal ng pagkain dun, may tatlo daw kasi itong Michelin stars.

Tumawag ako at umorder ng dalawang meal. Mukhang alam agad ng sumagot kung ano ang bet kainin ni sir nang nabanggit ko ang name nya dito.

Pagbaba ko ng phone ay bigla akong napaisip.

Dalawang order? May ka lunch si sir?

Never ko pa kasing nakita si sir na kumain sa office nito. Kahit may mini dining table sa office nito ay hindi naman yun nagagamit.

Parang may biglang tumusok sa aking puso.

'Im sure babae ang kasabay nyang kumain!' Naibulalas ko sa sarili.

Nasaktan ako sa aking naisip. Tama ngang sa baba nalang ako kumain. Ayaw ko makita si sir at ang babae nito.

"Sino kaya sya?" Tanong ko sa sarili.

Marahil magandang babae ito. Knowing sir Luke. Di ito papatol sa kung sino lang. Im sure isang modelo o artista.

Pero bakit dito sa office nya?

Napasilip ako kay sir. Nahuli ko syang nakatingin sa akin.

Ngumiti sya sakin!

Shocks! Bigla akong namula. Binawi ko agad ang aking paningin.

Knowing na tinitingnan nya ako, lalo akong naging conscious sa aking sarili.

Inayos ko ang aking buhok. Pati galaw ko ay inayos ko. Yung tipong mahinhin na babae. Ang pino gumalaw. Hinawi ko ang iilang hibla ng buhok na humarang sa aking mukha.

Di ko mapigilang tumingin kay sir ulit.

Ngunit napawi ako sa pagkakangiti ko nang makita na nakasara na ang blinds ng window panel ng office. Di ko na makita si sir.

Kaloka! Umasa ka Adela noh? Isasara nya pala ang blinds kaya napatingin sayo!

Nanlumo ako. Akala ko nabihag na sya ng ganda ko!

5 minutes bago ang lunch break nang dumating ang inorder ni sir. Tinulungan ko ang delivery man para pumasok sa office ni sir.

"Sir, nandito na po ang order nyo." Sabi ko kay sir. Pinapasok ko ang lalaki para iguide na dumeretso patungo sa dining table.

"Thanks!" Nakangiting sagot ni sir sa akin.

Nakangiti na naman sya! Anung problema nito ni sir? Di ako sanay! My gosh!

'Sir wag ka naman ngiti ng ngiti dyan! Napu-fall napo ako lalo eh!' Bulong ng aking isip.

Pinalapag ko ang mga pagkain sa table.

Inayos ko nadin ito para mamya kapag kumain sila ay maayos na ito.

Masama man ang loob ko na may kasalong iba si sir, binalewala ko nalang.

Okay na ako sa smile nya!

Naunang nagpaalam ang delivery man.

"Sir okay napo. Lalabas nadin po ako sir para maglunch." Paalam ko kay sir at akmang lalabas na ng pinto.

"Where are you going? I ordered two...so panu ko uubusin yan?" Nakatingin si sir sa akin. Nakakunot noo nya. Maya maya ay tumayo at tumungo sa dining table kung nasaan ang pagkain.

"Eh diba sir may kalunch date kayo?" Nakakunot nadin ang aking noo. Nalilito ako sa sinabi nya.

"Yes! May kalunch date ako....uummm. Ikaw." Sabi nito sakin na titig na titig.

"Po?" Tama ba ang aking narinig? Gosh! Ako ang kadate nya?

Feeling ko namula ako ng sobra. Di ko alam ang gagawin. Ilang beses akong lumunok ng laway ko.

"Come here. Saluhan mo ako dito." At umupo ito sa upuan habang nakatingin sa akin.

Nangangatog na ang aking tuhod. Sa kaba at sa kilig!

Juskolord! Kung panaginip ito ,sana ay di na ako nagising!

Akala ko may ibang babaeng kasalo si sir. Ako pala! Gosh!

Dahan dahan akong lumapit sa table.

Krrrruuuu!

Tumunog ang aking tyan. Shocks! Gutom na nga ako!

Napatingin ako kay sir. Nakangiti ito. Waring narinig ang tunog ng gutom kong tyan.

Napakagat ako ng labi. Kakahiya.

Umupo ako sa upuang nasa harap ni sir. 4 seaters kasi ang dining table.

Kung kanina ay di ko tinitingnan ang food, ayaw ko kasing matakam.

Napatitig ako at nagulat. Gosh madami pala ito. Talagang nagutom ako ng lubusan.

Tumingin ako saglit sa labas. Buti sinara ni sir ang blinds kung hindi malaking issue to! Lalo na sa dalawang chismosang Isabel at Trina.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang magsalita si sir...

"Adela.." malumanay nyang sabi.

Habang nanguya ng steak ay lumingon ako sa kanya.

"Bakit po sir?"Tanong ko sa kanya.

"Ansarap naman pala nito sir. Grabe!" Dagdag ko habang takam na takam akong sumusubo.

Di nagsalita si sir. Kaya tumingin ulit ako sa kanya.

"Anu po sasabihin nyo sir?"

"Adela..." di ko alam kung bakit tila di mamutawi ni sir ang sasabihin.

"Anu po?" Kulit ko para dugtungan nya ang pagsambit sa name ko.

"I like you...."

Nabulunan ako sa aking narinig. Di ako sure pero parang sinabi nyang gusto nya ako!

Ubo ako ng ubo.

"Okay kalang? Here's the water." Pag aalalang tanong ni sir sabay abot ng tubig.

Lumagok ako ng ilang beses.

Mabuti nalang at umayos nadin ang aking pakiramdam mula sa pagkabulunan.

Hindi ko sure if tama ang narinig kaya kunot noo akong tumingin kay sir.

Actually kahit nakaupo ako ay nangangatog ako. If tama ang pagkarinig ko, he said na "i like you."

Kahit nakakahiya ay tinanong ko si sir. Mas maganda yung malinaw diba?

"Sir? Anu po ibig mong sabihin?"

Umaasa akong ulitin nya ang sinabi.

"Adela, i like you .....to....to inform everyone that we will have an out of town team building as a celebration for closing the deal with the Abuevas." Nakangiting sabi ni sir. Hindi na ito nakatingin sa akin. Bigla itong naghiwa ng steak.

Di ko alam pero disappointed ako. Dapat ba ako matuwa sa out of town team building o malungkot dahil mali ang aking narinig.

Akala ko ...sinabi nya ...he likes me.

Deep inside ay naghuhurementado ako. Umasa ako ng sobra.

'Assuming ka kasi Adela!'

Pinilit kong ngumiti. Nagpanggap na masaya sa harap nya.

"Wow! Talaga sir? Exciting naman! Kelan po?" Tanong ko.

" Sa Isla Luisa.. this coming holiday." Sagot nya.

Nabigla ako. Ang Isla Luisa ay isa sa pinakasikat ngayon na tourist spot sa Pilipinas. Private island na pag mamay ari ng family ni Sir.

Bigla narin akong naexcite. Sa panaginip ko lang pinangarap na makapunta dito mula nung makita ko ito sa isang magazine. Ngayon! Nagkatotoo na!

I can't wait!

My dream place with my dream guy!