"Salamat Miss Mcain, ipag-uutos ko nalang po kay Crystal." pagtukoy niya sa anak ng tagapangalaga sa kalinisan ng mansyon na si nanay Perla.
"Sige po" saka ko binaba ang tawag at isinuot ang isang set ng silk sleepwear ko. Kapag nandito lang ako sa mansyon hilig ko ang nakasuot ng pantulog dahil napakakomportable, hindi ako mahilig magdress kaya halos hindi nagagalaw ang mga dress ko at kapag lumalabas man kami ni lola ay lagi akong naka jeans.
Hindi kasi ako komportable kapag dress ang suot ko.
Hindi rin ako naglalagay ng kung ano sa katawan ko dahil ang mga ginagamit ko sa panligo ay kompleto na, naroon na lahat ng mga vitamins na kailangang ilagay sa katawan para mapanatili ang ganda ng kutis ko, si lola at Merly ang gumawa nun ng paraan dahil alam nilang ayaw na ayaw ko yung may linalagay ako sa katawan pagkatapos kong maligo dahil naiirita ako.
"Miss Mcain, si Crystal po ito." tawag ni Crystal sa intercom kaya rinig na rinig ko buong kwarto.
Tulad nga ng sabi ko, hindi ako basta-basta nagpapasok sa kwarto ko kaya pupunta ako mismo sa pintuan para kunin ang pagkain ko.
"Ang cute po ng sleepwear niyo Miss Mcain." Bungad agad sakin ni Crystal pagkakita sakin. Mas matanda siya sakin kasing edad lang ni Kayra pero hindi ko sila ginagalang. Bakit? Hindi ko rin alam, wala lang talaga akong nararamdamang sincere sila sa mga binibitawan nilang salita kapag nakikipag-usap ako sa kanila.
"Salamat po" at saka ko kinuha ang dala nitong tray na kita sa transparent nitong takip na pancake with syrup at cookies ang laman nito na may kasamang dark iced choco at maligamgam na tubig. Kailangan ko din kasing uminum ng mainit na tubig after ko makakain ng malamig.
Bigla akong natakam dahil mga paborito ko ang mga ito, si lola ang siguradong nagsabi ng kakainin ko. Hindi ako health conscious, at ganun din si lola, kahit na alam niyang hindi maganda sa kalusugan ang mga hilig kong kainin ay binibigay nalang kaysa naman daw hindi ako kumain. Mahal na mahal ako ni lola kaya spoiled na spoiled ako.
"Um Miss Mcain, pwede pong humiram ng sportswear niyo ng pang badminton at racketa na rin?" biglang sabi ni Crystal nang nakatalikod na ako at nakaalis sa monitor ng pintuan ko kaya unti na itong nagsasara. Humarap ako at bumalik.
"Para saan? Wala pa kasi akong nagagamit kahit isa sa mga sportswear ko at siguradong magagalit na naman si ate Merly sayo kapag sasabihin ko sa kaniyang kuhanan ka." kaya din sila napagkakamalang ako sila dahil sa mga gamit ko na hinihiram nila pero hindi na din nila sinasauli dahil alangan namang kukunin ko pa at gagamitin kung ginamit na ng iba.
"Kailangan na kailangan ko lang po Miss Mcain para sa nalalapit po naming laro. Hindi na po kasi kasya yung binigay niyo noong nakaraang taon." sa pagkakaalam ko ay taon-taon ka namang kumukuha sakin at yan lagi ang rason mo. Hindi pa nagbabago ang size ko at ganun pa rin naman, pagsabi ko nalang sa isip ko dahil yun naman ang totoo.
"Sige sasabihin ko nalang kay ate Merly." At tuluyan na akong umalis na hindi ko na pinansin ang pasasalamat niya.
May halo ng mainit na hangin kung lalabas ako at kakain sa terrace kaya mas magandang dito nalang sa loob at sakto lang naman ang lamig na binibigay ng aircon.
Nakakaapat na akong cookies nang maisipan kong tawagan si ate Merly para sa sinabi ni Crystal.
"Miss Mcain?" sagot agad nito.
"Ate kuhanan mo nga si Crystal ng sportswear at racketa niya. Hindi pwede yung mga nandito sa room ko kasi alam mo namang ako mismo ang nagdedesign ng mga sportswear ko at wala pa akong nagagamit kahit isa mula nang huli tayong maglaro." pakiusap ko. Hindi ako madamot, ayoko lang na binibigay ang mga sarili kong gawa dahil may ibig sabihin ang lahat ng mga gawa ko.
"Na naman?" inis ng tanong ni ate Merly na mukhang hindi na napigilan ang inis niya na hindi na ako iginalang na ikinatawa ko dahil siguradong pagkatapos niyang sabihin yun ay titingin siya sa mga kaharap niya kung may nakarinig ba.
"Ano yun Merly?" rinig kong tanong ni lola at mukhang late na rin ata silang kumain at kumakain pa sila hanggang ngayon.
"Humihiram na naman po si Crystal ng sportswear at racketa ni Miss Mcain señora." walang kaso kay lola yun dahil tulad ko ay hinahayaan nalang din niya pero laging si ate Merly ang naiinis dahil inaabuso naman na daw ata nila.
"Hayaan mo na, tawagan mo nalang ang designer ni Zyna at magpadala siya ngayon din. Kayo din Mix, Kayra, Rizza, Mial, Kyla at Olena magsabi na rin kayo para naman pantay at lahat kayo ay mayron." rinig ko ulit na pagtawag ni lola na agad nilang sinagot.
Kung hindi ako nagkakamali ay umikot na ang tingin ni ate Merly sa kanila at binulong na "ang kakapal".
Matapos ko kasing marinig ang boses ni lola ay binaba ko na ang cellphone ko at ipinagpatuloy ang pagkain.