"Ang daming tao Miss Mcain" bulong ni ate Merly habang palapit kami sa upuan namin na sa harapan mismo ng stage, sa likod ni ate Merly ang nakaasign na uupuan ko para hindi mahalata dahil ini-expect na talaga ni Carter na pupunta si ate Merly dito sa concert niya dahil yun din ang sabi ko at nababahala daw si Carter na baka hindi siya paniwalaan kapag sinabi na niya na girlfriend niya 'ko.
Ilang week na rin ang nakalipas nang umalis siya sa mansyon at ngayon na ang concert niya. Nakiusap siya sakin na kung maaari ay dito daw niya ipapaalam sa publiko na girlfriend na niya ko.
Narito kami ni ate Merly dahil hindi siya papaniwalaan kahit ninuman na girlfriend niya ako kung hindi ikukumpirma ni ate Merly.
Sino naman ang maniniwala kung wala man lang pruweba kasi hindi pa naman talaga niya ako nakikita ng personal at kahit picture man lang.
Mga ilang minuto na rin nang magsimula at lumabas si Carter na may napakatamis na ngiti na mas ikinasigaw ng lahat.
Sa lahat ng tao yata dito ay ako lang ang kalmado at hindi gumagalaw dahil halos ang gulo nilang lahat na nakatayo at halos hindi ko na rin makita si Carter dahil nakaupo lang ako pero grabe ang sayang nararamdaman ko habang pinapakinggan ang boses niya ng malapitan at kitang kita ko siya sa personal habang kumakanta.
Ilang oras na ang nakakalipas at patapos na nang tumigil ang lahat at tanging ang boses nalang ni Carter ang maririnig na sinasabing may sasabihin siya.
"I am Miss Mcain Xen Fetherston's boyfriend." pagsasabi nito na tuloyang ikinatigil ng lahat at may sumigaw malapit samin at sinabing.
"You're kidding right?" na sinang ayonan din ng lahat at baka nagbibiro nga lang siya.
"I know all of you might think about that, that's why Mcain sends her ate Merly which all of you knew as their secretary to confirmed it." at saka nabigyan ng spotlight si ate Merly at nagfocus ang camera kung saan ang mukha na ni ate Merly ang nasa malaking screen at mabuti nalang ay nasa likod ako at si ate Merly ang focus at hindi ako kita na alam ko namang kahit kita ako ay wala pa ring makakaalam na ako 'to pero siguradong maraming galing sa school ang nandito at isa na dito ang mga member ng SSG kaya umiwas pa rin ako at mahirap na lalo pa at kilala akong mahirap ng mga yun. Paano ko naman maaafford ang makaupo dito sa harap di ba.
Yumuko si Carter at inabot kay ate Merly ang mic.
"Hello, I'm Doña Fetherston's Secretary, kahit na sila na po ni Carter ay hindi pa po niya pwedeng ipakilala ang sarili niya sa publiko kaya sana po ay naiintihan natin kung wala man po siya ngayon dito para manood sa concert ng boyfriend niya." simpleng sabi ni ate Merly sabay ngiti nito
"Boyfriend na po ni Miss Mcain si Carter." huling sabi nito at saka ibinalik ang mic kay Carter at nagpaalam na aalis na ito.
Napag-usapan na namin ito ni ate Merly na pagkatapos niyang masabi ang dapat niyang sabihin ay aalis na siya at hihintayin nila ako sa labas ni tatay Roman.
Ayokong sumunod kay ate Merly pagkaalis nito dahil kapansin pansin kapag susunod ako sa kaniya lalo na at nakatutok sa ang ilan sa kaniya.
Kung kanina ay walang salitang maririnig ngayon ay hindi mo na maintindihan ang sinasabi ng bawat isa dahil sa sobrang ingay at nagkakagulo na.
Dali-dali na akong umalis habang nasa stage pa si Carter at hindi pa umaalis kaya wala pang umaalis na mga tao. Alam kong mahihirapan na akong makaalis dito kapag umalis na siya.
Nakahinga lang ako ng matiwasay nang nasa labas na ako at dali-daling pumunta sa sasakyan kung saan naghihintay si ate Merly at tatay Roman.
"Asus parang hindi na mabasag yang ngiti mo
a" pang-asar sakin ni ate Merly nang makasakay at paalis na kami.
Sasagotin ko na sana siya nang tumunog ang cellphone ko at nakitang si Carter yun kaya agad kong sinagot.
"Hm?" sagot ko.
"What are you doing bebe ko?" pagtawag niya na ikinangiti ko.
May movie daw kasi noon dito sa Pilinas na nagustohan niya at ang tawagan nila ng maglove team ay 'bebe ko', napakaganda daw ng story nung movie kaya yun din ang gusto niyang itawag sakin.
Miss daw kasi ang tawag sakin ng lahat at ayaw niya akong tawagin sa pangalan ko, gusto niya daw bebe KO para sa kaniya lang daw ako. Tsk ang galing mambola.
"Nothing, pauwi na." at saka ko kinuha yung AirPod ko para hindi ko hinahawakan ang cellphone ko habang kausap siya.
"You came?!" gulat niyang tanong na ikinatawa ko dahil yung boses niya parang bata na dinaya.
"Aha" pagsang-ayon ko habang nakangiti.
"Tsk why didn't I think na you might came" inis nitong sabi.
"Kantahan mo nalang ako, sumakit ang tenga ko sa mga sigaw nila kanina. Bilis." pag-uutos ko habang nakangiti pa rin. Kahit papaano ay para na kaming close kung mag-usap sa cellphone na minsan ay nagbibiruan pa kami.
"Okay okay, I really pity your future husband. Magiging under siya for sure." sagot niya habang tumatawa na ikinawala naman ng ngiti ko dahil alam ko na para sa kaniya ay isa lang akong stranger na okay lang pagkwentohan ng kahit ano dahil hindi naman niya ako kilala at hindi ko rin siya kilala.
Nang mga araw na sinabi niyang gusto niya akong gamitin at magpanggap bilang girlfriend niya ay tumawag agad siya sakin noong gabi nang araw na yun at sinabi niyang pumapayag siya hanngang sa ilang araw na nag-uusap kami sa cellphone nang namamalagi siya sa mansyon ay hindi namin namamalayang nagiging magaan na ang loob namin sa isa't isa at naging magkaibigan.