Hindi ko din alam

Tinu-tulak ko siya pero mas lalo itong nagalit, at hinahalikan na ako sa leeg ko. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko, natutuwa at parang nasasabik yung katawan ko... hindi... hindi pwede. Kailangan kong makaalis hanggat nalalabanan ko pa.

Marahas niyang tinanggal ang suot kong satin robe na agad kong hinawakan para isara ito. Nanginginig na ako - hindi ko na din siya pinigilan at tumigil na ako sa pagpupumiglas.

Dahan-dahan siyang tumigil at pinatong ang ulo nito sa balikat ko kaya ramdam na ramdam ko ang mainit nitong hininga mula rito.

Umayos ito ng tayo at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Marahan niyang hinaplos ito at pinupunasan ang mga luha ko. Hindi ko na rin pala naramdaman na umiiyak na pala ako.

"Gagawin ko ang lahat, magustohan mo lang ako. Huwag mo lang kaming iiwan. Maghihintay ako. Maghihintay ako hanggang sa magustohan mo ako" mahina nitong pakiusap na ikinagulat ko.

Sa mga sinabi nito ay biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Nawala na rin yung takot ko, parang napanatag yung loob ko nang sabihin niya ang mga ito. Parang yung kidlat na nararamdaman ko sa buong katawan ko ay nadagdagan ito ng init na mas nagpawala sa buong sistema ko. Hindi ko alam pero sa unang pagkakataon, parang ngayon ko lang to naramdaman.

Nawala lang ako sa sarili kong mundo nang hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at marahan akong hinila palabas ng banyo. Nang makalabas ako ay binitiwan na niya ang mga kamay ko at bumalik na ito sa loob.

Sinara niya ng malakas ang pintoan, napapikit nalang ako sa ginawa nitong pagsara.

***

"Sayang hindi pa kayo gising kanina. Umuwi ang daddy niyo pero maagang umalis" pagbabalita ni Gina sa mga bata nang makaupo ang mga ito para kumain.

"Bakit di niya kami ginising?" reklamo ni Chaika.

"Kumain po ba siya bago umalis?" tanong naman ni Kurt. Kung mag-isip talaga ang batang ito ay parang matanda.

"Hindi, pero huwag kayong mag-alala at binilin niyang uuwi daw siya mamayang gabi kaya makakasabay niyo siyang magdinner" sagot ni Rita at saka umupo sa tabi ni Kurt.

"Tina, Gina maupo na rin kayo at sabay-sabay na tayong kumain" pagtawag ko sa kambal.

"Ma'am? Naku hindi na po ma'am, mauna na po kayo. Sunod nalang po kami" sagot agad ni Gina. Tiningnan sila ng masama ni Rita at mukhang pinapaalis na.

"Kung hindi niyo kami sasabayan ay hindi na rin ako kakain" banta ko sa kanila na ikinatigil nila.

"Tita Tina, Tita Gina. Upo na po kayo" pagtawag naman ni Kurt.

Wala silang nagawa kundi sabayan kaming kumain. Hindi ko alam kung anong problema ni Rita at ganun ang ugali, dapat nga ay mas malapit ang loob nito sa mga kasamahan sa trabaho dahil ilang taon na rin silang magkakasama nila Tina at Gina dito.

Ni minsan ay hindi ko pa nakakausap si Rita dahil hindi ako pinapansin. Hindi ko na din siya sinubukang kausapin dahil bakit ko naman siya lalapitan kung laging masama ang tingin nito.

***

"Ma'am may pinadala pong bulaklak para sa inyo" pagtawag sakin ni manang Ertang.

Tapos na kaming kumain at nandito kami sa sala habang ang dalawang bata ay nanonood ng peppa pig.

"Sana all ma'am. Bigyan mo naman ako kahit isa lang" ani ni Tina at saka lumapit para amoyin ang hawak kong pulang rosas. Nanonood na naman ito ng kdrama sa laptop niya pero narinig lang yung bulaklak agad na itong lumapit.

"Ang totoo niyan ay ayoko sa bulaklak" ani ko sa kaniya at saka ko ito binigay sa kaniya. Mas gusto kong nakikita ang mga bulaklak habang nasa mga ugat nila ito at masiglang namumukadkad sa sinag ng araw. Ganun ang gusto kong klaseng bulaklak.

Wala man akong ala-ala pero at least sa mga bagay na ganito ay may nararamdaman pa rin ako. Ramdam ko sa puso ko kung saan ako natutuwa sa mga bagay na nakikita ko at binibigay nila.

"Ai sayang naman kung ganun ma'am. Mula pa naman nung dumating kayo ay halos araw-araw na may nagpapadala ng bulaklak. Pangpitong bouquet na 'to ngayong araw 'di ba manang Ertang?" ani ni Tina habang hawak-hawak na nito ang mga rosas.

Sumang-ayon din si manang Ertang sa sinabi nito.

"Ano ba dapat kong gawin para matigil na yang pagbibigay nila?" tanong ko at mainam na nag-iisip kung ano ba ang dapat kong gawin.

"May card naman bawat flowers na pinapadala ma'am at nakalagay pa mga pangalan nila sa sulat nila. Pwede niyo naman pong isearch sa facebook at iPM mismo" suhestiyon nito. Kumunot ako dahil hindi ko alam kung ano yung facebook.

"Um facebook?" nagtatakang tanong ko.

Kung ako ay nagtataka habang tinitignan siya - siya naman ay nagulat at parang hindi makapaniwala.

"Seryoso ma'am? Hindi niyo alam ang facebook? Kung ganun wala kayong facebook? E yung IG ma'am?" tanong ulit nito na hindi pa rin makapaniwala.

Umiling ulit ako dahil wala akong maalala. Baka meron pero nakalimutan ko lang din? Hindi ko talaga alam kaya umiling ulit ako.

"Paanong hindi niyo alam ma'am? Saan po ba kayo galing? A sige, hayaan niyo ma'am at gagawa nalang tayo ngayon" gulat pa ring tanong ni Tina pero binalewala nalang.

"Mas love kasi ni Tita na alagaan kami kesa mag social media" singit ni Kurt na nakikinig pala.

"Kahit na pero dapat alam pa rin niya at meron siyang account" sagot naman nito kay Kurt. Kung magsalita talaga si Tina minsan ay hindi na iniisip kung bata ba yung kausap.

"Bakit si daddy wala din naman" inosenteng sumbat ulit ni Kurt. Hinawakan ko si Tina na tumigil nalang. Hindi na rin nagsalita pa si Kurt at ipinagpatuloy nalang ang panonood.

Tumayo na rin ako dahil tinatanong ni Tina kung nasan ang cellphone ko at sinabi kong nasa kwarto ko kaya tumayo na ako para kunin ang cellphone ko sa taas pero aksidenteng  nahulog ko yung remote ng TV kaya napayuko ako at kinuha ito. Ako kasi ang namili ng papanoorin nila kaya ako ang nakahawak ng remote.

"Tita ano pong nangyari dito niyo?" tanong ni Kurt at nakalapit na pala ito sakin. Tumingin ako sa kaniya ng maabot ko ang remote, nakatingin silang tatlo sakin at pati si Chaika na nakafocus sa panonood dahil paborito niyang pinapanood ang Peppa Pig ay nakatingin na sakin. Napunta kasi ang remote malapit sa kanila.

"Ha? Bakit?" tanong ko din kasi 'di ko naman alam kung ano ang tinutukoy niya. Hinawakan ko ang baba ng tainga ko kung saan tinuturo ni Kurt sa tainga niya.

"Patingin nga po ma'am?" ani ni Tina at saka ito lumapit at tinggal ang kamay kong nakahawak sa may bandang kaliwa ng tainga ko.

"Wala naman akong maramdaman. Ano ba yun?" tanong ko nang matanggal ni Tina ang kamay ko at tinitignan na ito. Pinusod ko kasi ang buhok ko kanina nang nandito na kami sa sala kaya kita ang kabuoan ng leeg ko.

"Parang namuong dugo ma'am. Pasa? A.. Kissmark? Um Hickey?" nagugulohang sunod-sunod na tanong ni Tina habang tinititigan nito ang leeg ko

Ramdam ko ang init ng pisngi ko nung sabihin nito ang dalawang panghuling tanong niya. Naalala ko na naman ang nangyari ko kagabi! Nakakaasar kasi yung Jameson na yun!

Hindi ko kasi gawain ang manalamin at makipagtitigan sa sarili ko. Hindi ko naman napansin kaninang umaga dahil wala naman sa isip ko kung ano ang mangyayari sa ginawa niya. Kinalimutan ko na nga ang nangyari kagabi bago matulog e. Naligo lang din ako ulit kagabi bago matulog pero hindi na ako nagsalamin pa.

"Kissmark? Paano po yun tita?" tanong ni Chaika kaya nagkatinginan kami ni Tina, maging ako ay tinignan na rin si Tina na nagtatanong kung paano yun.

Si Tina ang tinatanong ni Chaika dahil sa kaniya siya nakatingin at hindi sakin.

"A-um ano. A-a-mm" hindi makapag-isip si Tina at parang nahihirapan pang sabihin kung ano ito. "A ano, kasi... a-ano po ba-baiyan ma'am? Kissmark po ba? Hindi ko kasi alam e. Baka kayo ma'am kasi may ganiyan kayo" ani nito at saka umiwas ng tingin sakin.

Mas lalong uminit ang pisngi ko at kinabahan kung ano ang sasabihin ko lalo na't sa akin na nakatutok ang dalawang bata. Hindi ko din naman alam kung paano yung kissmark a.